Chapter 11

828 41 9
                                    

I LOVE YOU PETERIANS! MAMIMISS KO KAYO ^_^ sadlyp wala tayong graduation since mga first batch tayo ng K-to-12 pero huhu.. Excited na ako sa stepping up mamaya!

Goodluck sa akin guys! hahaha!

Goodmorning update ko ^_^

=================

Thursday na, sa isang araw na ung party pero until now, never ko pang nakakausap si jerk. After kasi nung nangyari sa mall naging cold nanaman sya sa akin. Naiintindihan ko naman pero napakabipolar nya lang kasi, minsan hindi ko narin sya maintindihan.

Ung panda bear, nilagay ko sa kama ko at katabi ko sya ngayon palagi sa tuwing matutulog ako o mamamahinga. Ewan, basta ang saya saya ko sa tuwing makikita ko yung panda bear na yun. Bakit kaya? Hmm...

"babae, tulala ka? Problema?" Bahagya akong itinulak ni kath.

"Ha?" Tinitigan ko sya saglit, naglalakad na kasi kami ngayon papunta sa cafeteria pero may pinuntahan lang sya sandali at kadarating nya lang.

"Tulala ka habang naglalakad e, anong iniisip mo?"

"E-ewan" napangiwi ako. Ano ba namang klaseng sagot ung ewan? Psh!

"May tinatago ka sa akin no? Umamin kana! Ano yun?"

"wala! Sira ka talaga" nag iwas ako ng tingin saka binilisan ko na ang paglalakad.

Pagpasok namin sa cafeteria, ako naman ang nagtaka kasi nakatitig lang si kath sa pagkain sa harapan nya at hindi ito ginagalaw samantalang kumakain na ako. Magkaharap kasi kami kaya kitang kita ko ung mukha nya.

"babae, ikaw naman yata ang may problema" ibinaba ko ung kinakain ko sa tray "bakit di mo ginagalaw yang pagkain mo?"

"Nabusog ako bigla" sagot nya saka isinubsob ung mukha sa mesa matapos nyang ipagilid ung mga pagkain sa harapan nya.

"huh?" Napakunot nalang ako ng noo.

"I quit crys, ayoko na." Sabi nya.

"anong ibig mong sabihin? You quit what?"

"campus sweetheart? Ipapasa ko na sa iba, pwede naman daw diba?"

"Sino may sabi? Kung alam ko lang matagal ko ng ginawa" I said poker-faced. "sino ba may sabing ginusto ko ang lecheng campus idol na to?"

"oh, sinabi ko lang. Di ko naman sinabing maging OA ka dyan" inirapan nya ako.

"beastmode ka? Hilahin ko buhok mo dyan e" inirapan ko na din sya. Actually nahawa na ako sa kanya kaya nawalan na rin ako ng gana kumain. Hindi ko man alam ung dahilan nya pero feeling ko may hint na ako.

afterwards, we parted ways as we enter each of our class. I didn't mind asking her kung ano bang problema nya kasi hindi nya naman na ako kinibo pa pero nung lunch time na, i had the chance to talk to her. Naguguluhan na rin kasi ako sa sarili ko.

"Kath..." I pouted.

"hmm?" She smiled.

"May tanong ako.." I bit my lower lip.

Is it really time to ask her this? Gulong gulo na kasi ako sa sarili ko at hindi ko na alam kung ano bang ibig sabihin ng mga to sa akin.

"Ano yun?" Hinarap nya ako.

"bakit ganun? I always think of him. He's always invading my mind. Bakit ganun kath?"

"sino?"

"si.. J-jerk" napaiwas ako ng tingin pero nang titigan ko na sya ay nanlalaki ang mga mata nya sa akin.

Campus Idols [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon