Chapter 9

881 43 12
                                    

Crystal's POV

Today is the said date for our cooking presentation. Tinatamad akong pumasok sa totoo lang, kaso bwisit na jerk na yun! Pinagbantaan ba naman ako kahapon nung magkasalubong kami na pag inindian ko sya once, uulit ulitin nya daw yun sa akin at pinaalala nya sa akin ng paulit ulit ung tungkol sa 100 points. Galing nu? Asar! Ugh!

Kung naaalala nyo pa ung nangyari sa amin the last time. Akala ko magiging mabait na sya sa akin kahit konti, akala lang pala ang lahat. Matapos nyang makarecover mula sa nakita nya, kinabukasan hyper na ulit sya sa pang iisnob at pagsusungit sa akin. Ang saya lang nu? Tapos may gana pa syang mangblackmail?! Grabe talaga!

"Hi, crys! Goodmorning!" Bati sa akin nila drake at matthew pag pasok ko.

"Goodmorning drake, matthew!" I greeted them back. I don't usually do this before, nasanay na kasi akong batiin din sila pag binabati nila ako e.

Napatingin ako kay jerk, nakasandal sya sa upuan nya, nakapikit at nakaheadphones. Okay, routine nya na talaga yan, kundi libro ang hawak, headphones naman ang nakasalpak sa tenga psh!

Lalakad na sana ako papunta sa upuan ko ng mapansin kong may sugat nanaman sa labi si drake kaya tumayo ako sa harapan nya saka ko tinuro na parang batang nagsusumbong ung gilid ng labi nya.

"anong nangyari dyan? May sugat ka sa gilid ng labi. Nakipag away ka?"

"hindi, wala to. Wag mong intindihin" sagot nya. Napatango tango nalang ako saka umupo. Wala rin naman akong mapapala kahit kulitin ko pa sya dahil mukha namang wala syang balak magsabi ng totoo sa akin.

Pagpasok ni Teacher bea, excited na excited na ang mga kaklase ko. Masigla nilang binati si teacher bea ng magandang umaga. Ako? Ewan ko, the last time na nagluto ako kasama ung jerk nag away kami e.

Sabay sabay na kaming pinalabas sa classroom proceeding to the cooking lab. Dala dala ko na lahat ng ingredients mula sa dish one to dish two which is the dessert. The jerk? Nasa pinakahuli, ayaw nya daw samabay sa amin. Hindi manlang ako tinulungan magbuhat ng mga gagamitin namin -_-.

"Crys!"

"oh, drake. Bakit?" Tanong ko habang sabay na kaming naglalakad.

"Akin na yan, tulungan na kita." Sabi nya habang kinukuha ung mga hawak ko.

"ha? Hindi na! Si kath ang tulungan mo, groupmate mo sya diba?"

"nandun naman si matthew, kaya na nya yun! Akin na." Sabi nya, wala na rin akong nagawa kaya ibinigay ko na sa kanya yung iba sa mga hawak ko.

"thank you." I smiled.

"My pleasure.." He smiled.

Pagpasok namin sa cooking lab. Kanyang kanyang pwesto na kami. Ibinaba na ni drake ubg mga gagamitin namin at muli ay nagpasalamat ako sa kanya bago sya pumunta kila kath.

Inayos ko na lahat at pinagsunod sunod ko na ung mga gagamitin ko. Si jerk, nakatayo lang sa side ko at halata mong bored na bored na sya. Matapos nya akong iblackmail kahapon sya ngayon tong mukhang hopeless at walang gana ang hitsura? Psh!

"Students, I'm only giving you 2 hours for your presentation. After 2 hours, you're done alright? No more extensions for the time. I'm already giving you a lot of chances, remember, your dishes will equivalent a hundred points and another merits for your grade. Pagbutihin nyo, don't make fun of it understand? Okay, Is everyone's ready?" She asked. Sumagot naman kami lahat ng yes kaya sinabi nyang simulan na namin.

Tulad ng ginawa namin ni jerk dun sa unit nila, pinapagawa ko nalang sa kanya ung iba na madadali. Hindi naman sya nagrereklamo kaya pinabayaan ko nalang. Tumatakbo ung oras at magbebake pa kami mamaya kaya dapat talagang madaliin.

Campus Idols [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon