Chapter 46

645 36 5
                                    

Crystal's POV

Myerkules na ngayon. Mamayang gabi na ung pageant at dahil dun, kinancel ang klase ng lahat ng studyante ng NU at kami lang mga campus idols ang pumasok.

Nandito kaming lahat including drake kahit pa hindi sya campus idol (except matthew dahil nasa ospital pa pero ang alam ko, lalabas na sya mamaya.) dahil heartthrob din sila ng school at pinag uusapan namin ung tungkol sa pageant.

"Dustine, saki. Everything you need is settled. Pero ganun nalang ba talaga ang magiging pagrampa nyo? How can you catch the crowd and the judges kung mukha namang nandidiri kayo sa isa't isa?" Komento ni sheena.

Nagtinginan namin kami ni saki. Ngumiti sya sa akin saka nagkibit balikat. Kakaiba ung ngiti ng babaeng to ah, may iba akong nararamdaman hmm..

"Okay lang yan president. Leave it to me! Rarampa ng maayos mamaya si dustine at mananalo ang university natin!" Sabat nya na nagthumbs up pa.

Nagtinginan kaming lahat sa kanya pero tanging pagngiti nya lang saka pagkindat ang isinukli nya sa amin.

Afterwards, nagsialisan na kaming lahat pero naiwan muna ung dalawa. Pinagpipilitan pa ng mokong na yun na maiwan din ako pero sinabi ko sa kanyang nagkayayaan ang barkada at minsan lang naman kami masama sama kaya pumayag na rin sya. Pupuntahan nya nalang daw si timmy after nila mag usap usap para dalhin kay matthew tapos si saki, susunod nalang.

Kalat na rin sa buong campus ang relasyon naming dalawa and guess what? Para kaming celebrity dahil bawat galaw namin sa school, pinapansin nila at ang mga kababaihan, kinikilig pa -_-

"I have this feeling na may pinaplanong hindi maganda si saki. Hmm.." I said magkakaharap kaming nakaupo at kumakain ng snacks.

Nandito kami ngayon sa likod ng bahay nila Ian. Nagpipicnic kami sa carpet grass nila like we usually do pag trip namin. Naglalatag kami ng banig tapos nagpapahanda naman si ian ng mga pagkain.

Napansin kong nagtinginan silang lahat tapos sabay sabay na nagkibit balikat kaya naman naningkit ang mga mata ko. Something's weird. Ramdam ko eh, ramdam nyo rin ba?

"Are you hiding something from me?" Nilingon ko si kath na prenteng kumakain ng ice cream sa tabi ko pero nginitian nya lang ako saka kumain ng kumain. Tch!

"Paranoid ka lang. Di ba guys? Oy bryce, paabot naman nung nachos!" Pakiusap ni Liam kay bryce na mukha namang walang pakielam.

"Ang lapit lapit sayo iuutos mo pa. Kaya mo na yan! Ang haba ng braso mo eh." Sagot naman ni bryce.

"Ang bait mo talaga na kaibigan pare! Kaya mahal na mahal kita eh! Hayop ka." Ismid ni Liam matapos iabot sa kanya ni jake ung nachos. "Salamat pre! Buti ka pa."

Inismiran lang naman sya ni jake.

Hays! Mga siraulo talaga tong mga kaibigan kong to. Masasabi kong ang pinakamatino lang ay si ian? Uh ewan. Kasi pag sinumpong rin naman yun, grabe din. Lalo na pag nagsama sila ni aldray. Actually si jake pala ang pinakamatino. Matalino pa. Pag nagbigay din yan ng trivia, nganga kaming lahat eh.

Napatingin ako sa cellphone ko ng maramdaman kong magvibrate ito.

Kurt yabang calling...

"Tch! Ano nanamang problema nito?" Bulong ko saka ako nag excuse sa kanila.

Lumayo muna ako ng kaunti saka ko sinagot ung tawag nya.

"Magkakasama kayo diba?" Bungad nya sa akin. Hindi ko pa man naibubuka ang aking bibig, nagtatanong na sya.

"Oo. Bakit ba?" Iritableng tanong ko.

"Grabe ah. Papaalalahanan lang sana kita, pakibantayan naman--"

Campus Idols [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon