Chapter 25

723 42 17
                                    

Crystal's POV

"Hey, stop staring! Hindi mauubos yan kung titigan mo lang. Okay?" Napatingin naman ako kay jerk ng magsalita sya.

"Ha?" Napaiwas ako ng tingin. Nagulat naman kasi ako, pagpasok kasi namin ay may table ng nakaprepared para sa amin. It's not too romantic na tulad ng sa iba na may kandila pa at maraming bulaklak at ilaw. Of course it's not like that! We're not a couple okay? Even if I'd like it to be that way, hindi naman pwede psh!

"I said, hindi mauubos yang pagkaing yan sa titig mo lang." He hissed.

"Uh? O-kay.." napalunok naman ako bago gumawa at kumain pero habang kumakain na kami, hindi ko maiwasang magtanong. "How?" I asked him.

"What how?" Kunot noo nyang tanong pabalik.

"How could this even be possible? Bukas pa ang grand opening ng restaurant na to eh, paano mo napakiusapan ung may ari na ipagamit na sayo to?" Tanong ko ulit pero ngumiti lang naman sya. "Pwede ba? Hindi masasagot ng ngiti mo ang tanong ko." I rolled my eyes.

"What? Am I prohibited to smile?" He said teasing me.

"Ugh! I hate you!" Sinamaan ko sya ng tingin. "Pwede naman kasing sumagot ng deretso pangiti ngiti pa, ano yun? Tanong ko sagot ko? Duh? It's as if I know the answer to my own question. Tingin mo ba? Itatanong ko pa kung alam ko na ung sagot? Baliw lang? Excuse--"

"This restaurant's mine, okay? Ang daldal mo." He cut me off. Nalaglag naman ung panga ko.

"What?!" Nanlalaki ang matang tinitigan ko sya.

"You heard it right." Sagot nya.

"P-pero bakit?"

"What?" Kumunot ung noo nya. "Just eat okay? Wala ng maraming tanong. I'm fed up already, enough." He said.

"No.. I mean, why me?" Tanong ko ulit.

"Why you?" Balik tanong nya naman kaya sinamaan ko sya ng tingin ulit.

"Bakit ako! Bakit ako ung sinama mo dito ngayon! Hindi ba dapat si rian? At ano ung sinabi mo kanina dun sa lalaki? Learn not to stare at my girl? Have some respect to me? Omygosh!" I rolled my eyes.

"Look, I don't know. I don't know why but you are the first girl that came on my mind when I thought of this. Ikaw. Ikaw lang." Tinitigan nya ako sa mga mata. Gusto ko namang mag iwas ng tingin pero tila nahypnotise na ako ng mga titig nya. Gosh!

Dead air...

Isang minuto siguro kaming nagtititigan lang bago ko nakuhang mag iwas ng tingin.

Ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain pero hindi ko maiwasang magtaka.

Kanya ang restaurant na ito?

"Paano to naging iyo?" Baling ko sa kanya. Nakakunot noo naman syang lumingon sa akin. "What I mean is, itong restaurant na ito, paano naging sayo?" Tanong ko.

He laughed. "Silly, kailangan ba talaga ng dahilan?"

Napangiwi naman ako. Oo nga naman kasi, napakatangang tanong crys -_-

"If you're wondering why I build this up at a young age. I'm 19 years old yet I already have this. Well, marami akong plano. And besides, this restaurant won't be mine as soon as I found her" He shrugged.

Her? This time, ako naman ang napakunot ng noo. Sinong her nanaman ang tinutukoy nya? May iba pa ba syang babaeng kinahuhumalingan Malian kay rian?

"Stop thinking anything, Mali ka ng iniisip." He said.

Napatikhim naman ako saka ako umayos ng upo matapos kong bitawan ang mga kubyertos. "Who is she?"

Campus Idols [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon