Chapter 44

785 41 25
                                    

Crystal's POV

"Ano bang kailangan mo sakin?!" Nanlilisik ang mga matang sigaw ko sa kanya pero mabilis na tinakpan nya ulit ng kamay nya ang aking bibig. Fvck!

"Look, I just wanna talk to you. That's all! Kaya pwede ba wag kang sumigaw? Baka may makarinig sayo."

"Get off me!" Sabi ko matapos kong tanggalin ung kamay nya sa aking bibig. "What do you want to talk about?" I asked him in a low voice.

"Pwede bang wag dito? Somebody might see us, malaking gulo ito pag nagkataon." He said.

I smirked. "Hindi pwede. My boyfriend is inside, paano kung hanapin nya ako? I can't leave. At isa pa, hindi ako nakikipag usap sa mga taong hindi ko kilala." Sabi ko saka mabilis ko syang tinalikuran pero hinablot nya ang aking braso.

"Tinatawag mo ako sa buo kong pangalan. So, I guess, kilala mo ako. I'm not a stranger. Kailangan lang talaga kitang makausap. Please. This is an important matter, I need your help."

I close my eyes tightly saka ko sya tinitigan. "Help? Are you serious? Ano namang maitutulong--"

"Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na girlfriend ko si rian hindi ba?" Putol nya sa litanya ko. Hindi naman ako nakasagot. Ano namang kinalaman ko sa relasyon nila ng babaeng yun? "I need your help. Please!"

"Nasisiraan kana ba? What help can I give you? Labas ako sa relasyon nyong dalawa!"

"But she's after your boyfriend! Ilang linggo na nya akong iniiwasan, she's not answering my calls. She's not even replying on my texts! Tapos sa tuwing susundan ko sya, palagi ko nalang syang nakikitang nakasunod sa boyfriend mo! Sa inyong dalawa! There was even a time that--"

"What?!"

"That's why I need your help. Please!"

"Wala akong maitutulong sayo. Problema nyo yan. You are the boyfriend, you should know how to handle your girl."

"But she's breaking up with me."

"And so? Gaya ng sabi ko, labas ako sa relasyon nyo." Sabi ko ulit saka ko sya tinalikuran pero hinablot nya akong muli sa braso kaya nagreklamo na ako. "Ano ba?!" Sigaw ko pero nanlaki ang mga mata ko ng bigla nalang bumulagta sa sahig si Bryan.

"Fvck you! Don't you dare lay a finger on my queen again!"

Mabilis na niyapos ko ang braso ni jerk saka ko sya inilayo kay Bryan. "J-Jerk, it's okay. Hindi nya naman ako sinaktan. " I whispered.

Nilingon nya ako habang nakakunot ang noo. I gulped. Napansin nya naman sigurong natakot ako kaya ngumiti sya saka nya hinaplos ang pisngi ko.

"Let's go." He smiled.

"B-Bryan? Omygosh Bryan! What the hell happened to you?!" Humahangos na nilapitan ni rian si Bryan saka nya ito tinulungan sa pagtayo at hinarap kami ni jerk pero sa akin lang sya tumingin. "This is all your fault! Nakuha mo na nga si dustine sa akin! Pati ba naman si Bryan?! Malandi ka! Malandi ka! Sobrang lan--"

"Rian!" Sigaw ni jerk na halos nagpatindig sa aking balahibo. Humigpit ang hawak nya sa aking baywang at naramdaman ko iyon. Parang nagbuhol na rin ang aking dila at hindi ako makapagsalita. "You don't have the right to call her a flirt! She's not a flirt! And she'll never have an interest with your freaking boyfriend! Just.. just get the hell out of our sight forever!" Dagdag pa nya saka maingat akong hinila palayo sa kanila. "I'm sorry about that. Did I scare you my queen? Sorry.." Ngumiti sya saka pinisil ang aking kamay bago nya binuksan ang pintuan ng kotse at pinapasok ako doon.

Bumuntong hininga ako ng lingunin nya ako ng makasakay na rin sya sa driver's seat.

"Tapos na ba ung practice?" Tanong ko trying to divert everything.

Campus Idols [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon