Chapter 26

796 46 49
                                    

Drake's POV

Pagkatapos ng okasyon na ginanap dahil sa pagbubukas ng bagong restaurant ni dustine ay nagsiuwian na ang mga tao including crys, I didn't know na magkakilala pala sila tita Via at tito Alex maging ang parents nya.

"Tara na dude, may hinihintay ka pa ba?" Tinapik ako sa braso ni matthew. Sinamaan ko naman ng tingin ang Loko. Naiwan pa kasi kami dito sa restaurant at kanina pa to nagyayayang umuwi na.

"Mauna kana kaya, kanina ka pa excited eh." Walang gana kong sagot.

"Akin na ung susi ng kotse, mauuna na ako." Sagot nya naman at talagang inilahad nya pa ung palad nya sa akin habang hinihingi ung susi ng kotse -_-

"Let me ask you one thing first.." nginitian ko sya.

"Sure dude, ano ba yun? Pakibilis naman, ung susi."

"Mauuna kana diba? Okay then, which do you prefer, being crimated or buried on land? Mamili ka. Kating kati na akong patayin ka eh." I smiled. Nagbago naman ung expression sa mukha nya at agad ding ngumiti sa akin.

"Hindi ka naman mabiro dude, alam ko namang hihintayin pa natin si dustine. Biro lang! Ano ba naman klaseng tanong yan." He said.

Umiling iling nalang ako saka sinalubong na namin ang papalapit na si dustine pero hindi ko maiwasang mainis knowing na nandito parin si rian at nakalingkis parin sa tanga naming kaibigan.

Nagpaalam lang sa amin ang gago na ihahatid nya lang daw sandali si rian sa sasakyan nito. Tinanguan nalang namin sya ni matthew saka pinasundan sila ng tingin.

"Tibay talaga ng helmet na nairegalo ni rian sa ugok na yun no? Ilang beses ng nauntog pero hanggang ngayon tanga parin eh." Komento ni matthew habang umiiling iling pa.

"You can't blame her, masyado syang benefited sa pagiging tanga ni dustine." I shrugged.

"Sabagay.." seryosong saad ni matthew. "By the way dude, napansin mo ba?"

"Ang alin?"

"Si crys.." Napatingin naman ako sa kanya habang nakakunot ang noo. "What's with her?" Tanong ko. "Well, napansin ko lang kasi, napakasimple nya. Imagine? Her outfit's just a simple dress paired with flats tapos hindi mo pa kakikitaan ng sobrang make up unlike rian na pati ang pagdating dito, engrande din, opposite talaga sila kaya hindi na ako magtataka kung bakit hindi sya magustuhan ni dustine" He shrugged.

"You're wrong matthew, kahit opposite pa sila, hindi yun dahilan para hindi nya magustuhan si crys. Crys is such a lovely woman, aminin mo, hindi ba noong unang pumasok ka dito, isa sya sa mga babaeng napansin mo? Aside from kath her bestfriend of course."

"Yeah, I won't deny that kasi totoo naman. Actually I like her at first pero nawala rin naman agad. Naging crush ko lang sya maybe in a week?" He chuckled.

"Siraulo,  naging crush mo sya but it only last a week?"

"Haha. Yeah, I just admire her kasi ang tapang nya. Sya palang ung babaeng kinayang ipahiya si dustine sa harap ng klase."

"That's it! Ang tapang nya, she had several traits which can make a man fall inlove. Ngayon, bakit sana sya hindi magugustuhan ni dustine porke opposite sila ni rian? One thing's for sure, kasi hindi naman binibigyan ni dustine ng chance yung sarili nya na magmahal ng iba aside from rian. Kaya hindi nya magustuhan si crys ay dahil lahat ng attention nya, inilalaan nya lang para sa iisang babae. And how stupid he is for being like that." I shook my head. Tumango tango naman sya.

"Sabagay, kung ikaw eh, hindi ko manlang namalayan na nainlove kana pala sa babaeng inaasahan kong makakapagpagising kay dustine mula sa pagiging tanga." Seryosong sabi nya. Napaiwas naman ako ng tingin ng maalala ko kung paano ko ipinagsigawan sa kanila noon na mahal ko si crys at hindi na ako papayag pang saktan sya ni dustine.

Campus Idols [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon