Kath's POV
Halos sapilitan ang naging pagbangon ko kaninang umaga. Puyat na puyat kasi ako dahil talagang pinaganda ko ung album na project namin kay Mr. Mendez na ipapasa after lunch. At isa pang gumugulo sa utak ko, ung kantang ibinigay ni crys. Sa tuwing babasahin ko yun, hindi ko mapigilang maiyak. Bwisit! Ang lalim ng ibig sabihin nya eh, napakaganda tuloy ng naging interpretation ko sa kanya. Actually, hinahanap ko rin si crys ngayon kasi parang nakuha ko na rin ung pinaghugutan nya sa pagbuo ng kantang yun.
It's adrian... I guess..
"Mukhang malalim ang iniisip natin ah"
"Uy! Matthew ikaw pala" I smiled.
"Pasensya na, naging busy kasi ako nitong mga nakaraang araw kaya hindi kita gaanong nasasamahan"
"Haha! Ano ka ba? You don't need to be sorry for that. Hindi naman kailangan na sa lahat ng oras kasama kita nu!"
Sinabayan ako sa paglalakad ni matthew. I admit, I missed him. Dati kasi parati nalang syang nasa tabi ko tuwing nag iisa ako but it turns out na hindi na. Nakakalungkot isipin na medyo lumayo sya sa akin.
"Saan ka ba pupunta?" Tanong nya.
"Uhm.. Sa cafeteria. Ikaw, wala ka bang balak bumili ng pagkain?" Balik tanong ko sa kanya.
"Well, since you're here with me. Sama na ako sayo!" Sabi nya ulit.
Tumango tango nalang ako saka nagpatuloy kami sa paglalakad ng bigla nalang tumunog ung phone ni matthew. Hindi ko rin naman sinasadyang marinig ung sinasabi nya sa kausap since hindi naman sya lumayo sa akin.
"Hi there babe!" Bati nya sa kausap. So i guess, It's his girlfriend. Babe daw eh. "Uh yeah.. I'm at school.. Really? Sure babe! When? Okay sige, I'll just pick you up. Right away babe! Bye. I love you!" He said before hanging up then tumingin sya sa akin habang nakangiti. "Pasensya na kath, nakikipagkita kasi sa akin si elha."
"Okay lang, girlfriend mo? You should prioritize her more than me kaya sige na, puntahan mo na." I smiled. Tumango tango nalang sya sa akin saka nagpaalam at umalis.
Nagtungo nalang ako sa cafeteria ng nag iisa. Hindi ko naman kailangan ng kasama at isa pa, hindi ko mahagilap si crys, ni hindi ko nga alam kung nasaan ang babaeng yun. I tried to look for her, sa ilalim ng puno kung saan madalas syang nakaupo at nagbabasa ng libro but she's not there.
Pagkatapos kong bumili ng pagkain ay ibinaba ko na nga ito sa mesa saka ako umupo. Kinuha ko nalang din yung sandwhich pero ng tangkain ko na itong isubo ay nagulat akong bigla nalang may umagaw nito sa akin. Tumunhay ako habang nanlilisik ang mga mata. Pasaway!
"Kurt!" I hissed.
"Wala kang kasama, di ka manlang nagtawag." Sabi nya saka mabilis na umupo sa harapan ko. Inilapag nya na rin ung sandwhich ko. May dala rin pala syang mga pagkain nya.
Napaiwas naman ako ng tingin, hindi ko kasi maiwasang maalala ung nangyari sa starbucks. Yung sinabi nya sa akin and shet lang! Feeling ko namumula nanaman kasi ako.
Nung sinabi nyang willing syang saluhin ako pag nahulog ako sa kanya, iba ung dating sa akin eh. At pakiramdam ko he mean everything he said. Na hindi nya ako lolokohin pero duh? Hindi ganun!
"Okay ka lang ba?"
"Ha? O-oo okay lang ako! Okay na okay." I smiled.
"Sure ka ha?" Tanong nya. Tumango tango naman ako habang nakangiti pero hindi ko maiwasang mainis kasi nakatitig sya sa akin.
BINABASA MO ANG
Campus Idols [COMPLETED]
Fiksi RemajaShe's imprisoned in her past. He's imprisoned to his love for her but she always took him for granted. What if the two of them meet in an instant? Would love can take them out of being imprisoned? Would love can heal the pain they are feeling insid...