I just posted a one shot story entitled crush! Check it out guys! Leave your comments and votes okay? Labyu! 😘
____________
Crystal's POV
"Pwede mo ba akong yakapin brat? If not, pwede ba kitang yakapin? Yung mahigpit?" Halos hindi ako makagalaw sa narinig ko sa kanya. Tulala lang ako ng maramdaman ko ng yakapin nya ako. Rinig na rinig ko ang bawat paghikbi nya.
He's crying..
The jerk's crying. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula sa kanya. Sobrang hirap pala ng pinagdaanan nya. All this time ang buong akala ko ay nag iisang anak lang sya, pero ang hindi ko alam ay may kapatid pala sya, si timmy..
"Don't move brat. Just let me hug you." I heard him say as I closed my eyes and feel the warmth of his hug. Dahan dahan din ay naigalaw ko na ang mga braso ko para yakapin sya pabalik.
My heart was pounding so fast! Darn! Ibang iba ung pakiramdam ko, yung naidudulot ng yakap nya ngayon sa akin ay kakaiba. Alam ko namang nasasaktan sya. Revisiting the past is very hard for a person who always wanted to forget everything.
His sobs are silently breaking my heart. Ngayon ko lang sya nakitang umiyak ng ganito. Ung ginawa nya kanina, ung lumuhod sya habang umiiyak? Alam ko, nasasaktan sya.
I was observing him, ung mukha nya, ung reaksyon nya ng tanungin sya ni timmy kung sino sya? Kakaiba. Binabalot sya ng sakit.
"J-jerk.."
"I never imagined myself crying infront of you. Being weak infront you. But I guess, I can never hide the weak side of me. Laging lumalabas lalo na pag sya na ung involve." Ngumiti sya at pinunasan ang mga luha nya matapos akong pakawalan mula sa mga yakap nya.
"I understand you jerk. Alam ko sobrang hirap ng mga ito para sayo pero wag kang mag alala. Tutulungan kita. Tutulungan ko kayo. Napamahal na sa akin ang kapatid mo eh. Hindi na sya naiiba sa akin, sa amin! Kaya wag kang mag alala." I smiled. Hinawakan nya naman ung kamay ko at nagdulot ito ng kakaibang kuryente sa akin. Damn sparks!
"I know. Thank you." He smiled as well.
Bumalik naman kami sa loob at naabutan namin sila matthew, drake at timmy na nagtatawanan. I'm glad she's happy now.
"Ate!" Nakangiti nyang sabi sa akin saka sya napatingin kay jerk. "K-kuya..." halos Pabulong nyang sabi. Mabilis naman na tumakbo si jerk papunta sa kanya at niyakap sya. Tiningnan ko ang reaksyon ni timmy at kita ko ang gulat sa mukha nya. Hindi sya gumalaw at hinayaan nya lang na yakapin sya ni jerk. I feel happy for him. Alam ko soon, magiging masaya na rin sya. Ung totoong saya.
Lumapit ako sa kanila saka ako tumabi kila matthew at drake na kasalukuyang nakatitig lang sa dalawa habang nakangiti.
"I've been waiting for this to happen. Atlast, you're here now and I promise. Hindi na kita pababayaan pa ulit. My princess, I love you.." He whispered as he kissed him on her forehead.
Nakita ko ang luhang tumulo mula sa mga mata ni timmy, alam ko. Kahit hindi nya naaalala si jerk ay ramdam nya ang pagmamahal nito sa kanya.
"I'm happy for you dude. Finally, makukumpleto kana ulit." Nakangiting wika ni matthew sa gilid ko.
"Sana.." bulong naman ni drake.
Matapos malaman ni jerk ang tungkol kay timmy ay sinamahan ko sya kay Doctor Philip para maintindihan nya ang lahat at buong puso naman syang nagpasalamat dito dahil nga malaki rin ang nagawa ni doctor philip para kay timmy. Ung dalawang buwan na nacoma ito pero hindi nya sinukuan kahit pa hindi nya ito kilala.
BINABASA MO ANG
Campus Idols [COMPLETED]
Teen FictionShe's imprisoned in her past. He's imprisoned to his love for her but she always took him for granted. What if the two of them meet in an instant? Would love can take them out of being imprisoned? Would love can heal the pain they are feeling insid...
![Campus Idols [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/63192757-64-k840531.jpg)