Chapter 4

964 47 26
                                    

Crystal's POV

Nakatayo nanaman ako ngayon sa rooftop. Ewan ko ba, nawiwili na akong tumatambay dito pag nag iisa ako. Vacant ko kasi and i wanted to be alone kaya dito ko naisip na pumunta.

Nakatalungko ako at nakatitig sa kawalan, ano nga bang iniisip ko? Ewan ko ba, halo halo e. Masama ung loob ni kath, hindi sya makatingin sa akin ng maayos. Nagtatampo ba sya? Wala naman akong kasalanan diba? Incase na yayain ako nung jerk, nasabi ko sa sarili kong papayag na ako para sa kanya. I'll take the risk for her. Kaso paano nga? Walang interes ung jerk na yun e. Tsaka ayaw nya daw ako makasama. Tss! As if i'd like to be with him huh? Asa sya!

"hayy.." I sighed deeply. Ano bang dapat kong gawin? Kainis naman oh!

Sa totoo lang, anim kaming magkakaibigan. Pero sa anim na yun, kami ni kath ang dikit! As in sobrang dikit. Maraming kaming pagkakapareho sa lahat ng bagay, sa mga interes, basta marami kaming similarities maging sa favorite color and foods.

We became friends since second year high school. Yeah, kailan lang. Pero ung closure namin parang sobrang tagal na naming magkaibigan. Ung tipong magkababata? Ganun na ganun kahit hindi naman.

We've always been each other's shoulders pag may kanya kanya kaming problema. Madalas kaming dalawa lang ang nagdadamayan. Ung apat? Hindi namin masabayan minsan ung trip nila e, tsaka sila kasi may mga commitments na.

Cess and saki? May mga boyfriends. Lyn? Nililigawan sya ni coco. Si liz? After nila maggraduate ng college ni christian saka nila papasukin ang mundo ng relationship.

Kami ni kath? Wala. As in wala! pero kahit ganun pa man, mahal na mahal ko parin silang lahat nu! cecil, lyn, liz, saki and kath are my best buddies! no one can ever take that away from me. sila na ang pamilya ko at talagang mahal na mahal ko sila.

Nakakalungkot lang isipin na ung bruhang si kath ay hindi ako pinapansin tss!

"oh god! Can you clear things up in my mind? Nababaliw na po ako" napayuko ako habang nag iisip ng kung ano ano.

"what are you doing here?" Napalingon ako ng may marinig akong nagsalita. Tss! Si jerk lang pala. Ano nanamang ginagawa nya dito?

"bakit? Masama ba huh? Sayo ba to?" Tinaasan ko aya ng kilay. Uh-oh! Wrong move!

"yeah, it's ours. So, would you mind to leave?" Sabi nya. Napailing ako, ang tangang tanong naman kasi crys! Obvious naman na sa kanila to tapos itatanong mo pa? 'sayo ba to?' Seriously? Napakatangang tanong!

"ayoko." Ibinalik ko ung tingin ko sa taas. Akala ko susungitan nanaman nya ako o aalis na sya pero lumapit sya at gumaya sa pwesto ko. Katabi ko na sya ngayon at parehas kaming nakatingin sa malayo. Medyo magkalayo nga lang kami at hindi dikit.

"what are you thinking?" Tanong nya.

eh? Nag iinitiate ba sya ng conversation?

"wala" sagot ko. Alangan naman sabihin ko sa kanyang gusto kong pumunta sa party at kailangan ko syang ibigay ung bracelet sa akin at sabay kaming pumunta para makapasok diba? Ang stupid nun!

"wala.. Nice answer" he shook his head. "why am i talking to you anyway? Tss!" Tumalikod na sya at naglakad palayo.

"grabe! Akala ko mabait kana, mukhang maging sa panaginip yata hindi mangyayari yun" napailing iling ako. "milagro na nga ung nagtanong ka kung anong iniisip ko lalo na ung lumapit ka sa akin e. Paano pa yung maging mabait ka? Mukhang end of the world na kasunod nun"

Ibinalik ko nalang ung atensyon ko sa kalangitan. Bakit parang dumidilim? Sabagay 4 pm na, uulan ba?

"makulimlim ah, sige nga umulan ka. Namimiss ko na rin maligo sa ulan" nakangiti kong sabi.

Campus Idols [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon