Chapter 33

710 47 68
                                    

Third person's POV

Gustuhin mang maniwala ni crys sa lahat ng sinabi sa kanya ng pinsang doktor ni dustine ay hindi nya kayang isugal nanaman ang kanyang sarili sa isang bagay na maaaring maglugmok sa kanya sa sakit.

Nanlalabo ang paningin nya hindi dahil sa inaatake nanaman sya ng kanyang sakit kundi dahil sa mga luhang namumuo nanaman sa kanyang mga mata.

Pinunasan nya ang kanyang pisngi, inayos ang sarili atsaka nagmartsa palabas ng ospital.

Hindi naman nakaligtas sa kanyang paningin ang bulungan ng mga dalagitang nadadaanan nya ngunit isa lamang ang nagpatigil sa kanya.

"Sya ba ung buhat nung pogi kanina?"

"Oo sya nga yata, bakit sya iniwan? Umalis na ung pogi diba?"

"Poor girl, baka naman narealize na nung pogi na yun na isang pagkakamali ang makasama ang babaeng tulad nyan."

"Sinabi mo pa! Ano ba yan, Sayang naman si kuyang pogi! Crush ko pa naman sya."

"Wag kanang mangarap! Kilala ko ang poging lalaking yun. Nagmula sya sa isang makapangyarihang pamilya. Dustine Sandoval yata? Oo tama."

"Woah! Then tama pala ako? Maybe he realized his mistake, at yun ay ang makasama ang panget na babaeng yun."

At sinundan nila iyon ng malakas na tawanan. Pinilit ni crys na pigilan ang sarili ngunit hindi nya kinaya ang mga naririnig kaya tumayo sya sa harapan ng mga ito habang nakataas ang kilay.

Tinaasan rin naman sya ng kilay ng tatlong dalaga saka pinagkrus ang mga braso sa dibdib.

'Pathetic girls, may dibdib pa ba kayo? Trying hard bitches!' Sa isip ni crys ngunit tanging mahinang pagtawa lang ang ginawa nya na mas nagpataas sa kilay ng tatlo.

"Ano bang--"

"Haven't heard my family name too?" Nakangising wika ni crys sa tatlong dalaga.

They smirked. "Wala kaming pakielam sa pamilyang pinanggalingan mo!" Girl 1 said.

Napahalakhak naman si crys na tila nang aasar. Sa isip isip nya'y wala namang ibubuga ang tatlo kung ikukumpara sa kanya o sa kahit na sino man sa kanilang magkakaibigan.

They're all pathetic losers. Walang kwenta. Iyon lamang ang masasabi nya.

"Oh really?" Napahawak sya sa kanyang baba na wari'y nag isip ng sasabihin. "What's your name? The three of you." May awtoridad ang boses na kanyang sinambit.

Hindi malaman ng tatlong dalaga kung ano ba ang trip ng babaeng kaharap nila ngunit tila may nag udyok sa kanilang sagutin ang tanong nito dahil para bang kapahamakan ang kapalit kung sila'y mananahimik lang.

"Marionne ale--"

"Nevermind the surname. Eh ikaw? Name." Putol ni crys sa dalagang nagsasalita saka binalingan ang katabi nitong nasa kabilang side ng tatlo.

"A-aislinn." Uutal utal na wika ng dalaga.

Napangiti naman si crys ng maramdaman nyang hindi na komportable ang tatlo.

Ngumisi sya at tinitigan ang nasa gitna.

"Name." Sambit nyang muli.

"Noemi." Walang emosyong sagot ng dalaga sa gitna na kung maaalala nya ay ang dalagang labis labis na nanlait sa kanya kanina.

'She just called me ugly for crying out loud! Hiyang hiya naman ako sa pinimples nyang mukha!' Ipinagsisigawan nya na ito sa kanyang isipan ngunit mas pinili nya nalang na kumalma.

Campus Idols [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon