Chapter 32

734 47 80
                                    

A/N: Sa mga supporters dyan na nag eexpect or naghihintay ng backstories for the Darine (Daven Kurt & Katherine Yumi). I'm sorry to say pero hindi ko na po sila mabibigyan ng backstories. 😊😊😊

_______________

Crystal's POV

Nandito kami sa ospital ngayon at inaayos na ang mga gamit ni timmy. Nadischarge na kasi sya kaya uuwi na sya ^_^

Binayaran na ni jerk lahat ng bills nya, nag insist eh kasi malaki na daw ang nagastos ko para sa kapatid nya kaya hindi naman daw siguro masama kung sya naman ngayon.

Habang nag aayos kami ng mga gamit ni timmy ay natigilan ako sa sinabi nya.

"Ate, sa inyo naman ako uuwi hindi ba? A-ayoko sumama kay kuya,  h-hindi pa kasi ako komportable sa kanya." Napayuko sya. Magsasalita naman sana ako ng biglang sumabat si jerk na hindi ko namalayan nandito na pala. Shet! Bat parang namumula yata ako? Geez!

"It's fine my princess, naiintindihan kita. At isa pa, pinapaayos ko palang naman ung condo mo sa tapat ng unit namin nila matthew. Hangga't hindi pa yun natatapos, you can stay with them. Kasi kahit gustuhin ko mang makasama ka, hindi pwede dahil kung sa akin nga hindi ka pa komportable, paano pa kila mommy?" He smirked. "Bibisitahin nalang kita madalas dun okay? I hope that would be fine."

"S-salamat kuya." Nahihiyang wika nya.

"No worries, I love you." Bulong ni jerk saka sya hinalikan sa noo. How sweet!

Napalingon naman sa akin si jerk at napaiwas ako ng tingin. Pansin nya siguro ang pagtitig ko sa kanila ni timmy. Eh sa hindi ko maiwasan eh, ang sweet kasi nila. Naaalala ko Sean at Shawn. Hayy, namimiss ko na ang dalawang yun kahit nandito lang sila kahapon para bisitahin si timmy. Ang kaso lang, hindi sila nag abot ni jerk dahil saktong pagdating palang ni jerk ay nakaalis na sila.

"Want some kisses too?" Nakangising tanong sa akin ni jerk na nagbalik sa akin sa reyalidad. What the fvck?

"A-anong sabi mo? Baliw ka ba?" Napaiwas ako ng tingin. Damn! Nangangamatis na yata ang mukha ko.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nya at ng lingunin ko sya ay kinindatan nya ako. Napansin ko rin ang nakangiting mukha ni timmy na tila kinikilig pa. WTF?

"I'm just asking if you want some chocolate kisses brat, masyado ka naman yatang kinilig?" He said teasing me. Damn him! Malay ko bang binigyan nya pala ng chocolate kisses si timmy? Bwisit! Pahiya ako dun ah -_-

"Whatever, kaya kong bumili ng maraming chocolate kisses. Hindi mo na ako kailangang bigyan. Bwisit." Irap ko.

"Sungit." He whispered.

Napangiti naman ako. Linya ko yata yun? Sya naman kasi ang madalas na masungit eh.

Pagkatapos namin ayusin ung mga gamit ni timmy ay hinatid na nga kami ni jerk sa bahay. Wala kasi akong kotse dahil hinatid lang din ako ni rick sa ospital.

Pinadala ko nalang kila yaya lahat ng gamit ni timmy sa kwarto nya saka pinaupo ko nalang muna sya sa sofa dahil ayaw nya naman daw munang matulog, puro nalang daw kasi tulog ang ginawa nya sa ospital.

Sinalubong naman sya ng yakap nila mommy at daddy na alam kong nag alala sa kanya. Tiningnan ko nga ung reaksyon ni jerk habang nakaupo sa sofa at napansin ko ang ngiti sa kanyang mga labi ng makitang yakapin ng mga magulang ko ang kapatid nya.

"How are you sweetie? Pasensya kana kung hindi ka namin nadalaw sa ospital dahil naging busy kami." Paliwanag ni mommy.

"Okay lang po mommy, daddy. Nandun naman po si ate at sila kuya." Nakangiting wika nya.

Campus Idols [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon