Backstory (Kath and Jahlen)

913 48 14
                                    

Have you ever wondered kung bakit Iniwan ni kath si crys nung araw na namamaga ung paa ni crys at halos di makalakad?

Have you ever wondered kung paano nalaman ni kath na binuhat ni dustine si crys at dinala sa clinic?

Have you ever wondered kung bakit nakasimangot si kath sa harap ng mga barkada nya pero hindi nya masabi ang dahilan?

Have you ever wondered bakit nagbago ang isip nya at ginustong pumunta sa grand school year opening party?

Well, here are the answers :)

________________________

Kath's POV

Nandito kami ngayon sa tambayan at sayang saya ako habang ikinukwento sa barkada ung nangyaring eksena kanina sa klase ni teacher bea. Ang sarap kasing asarin ni crys haha! Lalo na ngayon at namamaga ung paa nya, hindi sya makatayo para pigilan akong ipapanood kila cess ung video nila ni dustine kung paano sila nagbangayan sa harapan ng klase.

"ang gwapo nya girl! Bet na!" Tuwang tuwa na sabi ni liz habang nakatingin pa kay crys. Hahahaha! Yung mukha ni crys nakakatuwa. Ang cute nya hihi..

"kaso iba ang tabas ng dila." Sabat naman ni aldray.

"I agree, that's why i hate him so much! Nakakainis!" Sang ayon ni crys. Aba! At nakahanap ng kakampi! Loko tong aldray na to ah T^T

"malay mo naman may pinagdadaanan" said lyn.

"san mo naman nakuha yang idea na yan lyn? Ang kapal ng mukha nya! Sobra! Ugh!" Naiinis na sabi ni crys

"pagtyagaan mo na, gwapo naman!" Kinilig kilig na sabi ni lyn. Ayos! Hahahahaha! Ung mukha ni crys talagang hindi na maipinta.

"basta i swear, hindi ko matatagalan ang lalaking yun! I swear! I really swear!" Nagpout na sya. "ang sakit ng paa ko guys" she murmured.

"ano bang nangyari dyan?" Tanong ni james saka sya yumuko para tingnan ung paa ni crys.

"natapilok ako kagabi, nakakaasar nga e! Naputol pa ung heels ko!" Maktol nya naman.

"huh?" Nagtinginan kaming lahat sa kanya "sinong hindi nag iingat huh?" Tanong ni cecil.

"tss!" Inismidan nya si cess.

"tara girl, sa clinic. Palagyan natin ng benda yang paa mo" sabi ko.

"hindi ko na kaya kath. Ayoko na" yumuko sya "magpapasundo na yata ako sa driver ko para umuwi" she pouted.

"tiisin mo!" Nilingon ko si coco katabi ni lyn. "Coco, kindly? Pwede bang alalayan mo tong babaitang to?"

"okay lang" tumayo sya pero pinigilan sya ni crys.

"di na" ngumiti ang gaga. "kaya ko pala" tumayo sya at lumapit sa akin. "bruha ka!" Hinila nya ung buhok ko pero tinawanan ko lang sya haha.

"guys mauna na muna kami ha? Dadalhin ko lang sa clinic tong babaeng to" paalam ko. Tumango naman sila kaya tumayo na ako at lumapit kay crys.

Inalalayan ko sya sa paglalakad habang hindi ko parin mapigilan ang matawa. Ewan ko ba! Feeling ko ang saya saya ko haha!

"pwedeng tumahimik kath?" Sarcastic nyang sabi

"ewan ko ba, natatawa lang talaga ako e" nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang inaalalayan sya pero nahinto ako ng makita ko sya.

Natigilan tuloy ako. Ung feeling na ang saya saya ko kanina, ngayon wala na. Parang akong namatayan psh!

"oh? Anong nangyari sayo?" Tanong ni crys pero di ako makasagot. Ung mata ko kasi hindi ko maialis sa kanya, para akong naging bato. "oh! Kaya pala" dagdag pa nya ng sa tingin ko e alam nya na ung dahilan ng paghinto ko.

Campus Idols [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon