Chapter 12

787 47 4
                                        

Hindi ko na namalayan ung pagdating ng mga order namin ni rian kasi nakatitig lang ako sa mukha nya habang masayang masaya syang nagkukwento sa akin. Napakajolly nyang tao and I must really admit it. Gusto ko sya talagang maging kaibigan pero parang may pumipigil sa akin.

"Okay ka lang? Pasensya ka na masyado akong madaldal ha? Feeling ko kasi komportable na din ako sayo e" she smiled.

"Ayos lang" ngumiti na rin ako sa kanya. "natutuwa nga ako sayo"

"T-talaga?"

"Oo naman!" Nagsasabi naman ako ng totoo e, natutuwa talaga ako sa kanya. Masaya syang kasama.

"Alam mo gusto talaga kita! Kaibigan ka rin ni dustine diba?"

"H-ha? Hindi no! Asa ka, suplado ang isang yun e. Tsaka sinabi nya na sa akin na never kaming magiging magkaibigan."

"r-really? Sabagay masungit nga ang isang yun" she chuckled. Bakit ang ganda nya? Nakakainis!

I'm not wondering bakit minahal ni jerk ang isang to. Kahit na sino siguro mamahalin sya kasi kahit hindi ko pa sya gaanong nakakasama ng ganun katagal. Ramdam ko kakaiba sya at masarap syang mahalin.

Pinagpatuloy nalang namin ni rian ang pagkain habang nag uusap, pagkatapos ay niyaya nya akong mamasyal pero hindi na ako pumayag kasi sabi ko kailangan ko na talagang bumalik sa school para makausap si teacher bea. Naiintindihan nya naman daw ako kaya inihatid nya na ako sa school pero sinabi nya paring one of these days kailangan mamasyal daw kami. Okay pumayag na ako since mulha namang wala syang planong tigilan ako sa pangungulit nya.

"Thanks rian!" Sabi ko ng makapasok na ako sa school. Well, kasama ko parin sya.

"It's nothing! Basta next time ha?"

"of course! Next time, sige mauuna na ako."

"okay! Salamat din!" She said waving at me before she turned back and walk away.

Napabuntong hininga naman ako. I hate myself for feeling this way towards her, mabait sya e, i think she doesn't deserve to be hated and harmed by anyone. Nakakainis!

"Oh, Miss Andrade! Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay" bungad sa akin ni teacher bea pagdating ko sa faculty office.

"I'm sorry teacher, may nangyari lang po kasi. Pero ang importante nandito na po ako" i smiled. "ano po bang sasabihin nyo sa akin?"

"okay, simple lang naman. Lumapit sa akin si dustine kahapon. Dinamdam mo daw masyado ung nangyari sa presentation nyo lalo na't nazero kayo tama ba?" Tanong nya. Tumango tango naman ako. "I'm giving you another chance." She added.

Nanlaki naman ung mga mata ko. Ano daw???

"po?" Baka nagkamali ako ng dinig e

"I said, I'm giving you another chance to perform. Bukas ng hapon, after classes dumiretso kayo sa cooking lab."

"t-talaga po teacher bea??? P-pero bakit po?"

"As I'd said minutes ago, kinausap ako ni dustine kahapon. He asked me kung pwede pa daw ba kayong magperform. Ayoko sana since it would be unfair to other classmates of yours pero naisip ko, first time itong nakiusap sya sa akin. Mostly command lang ang ginagawa nya but this time, he asked me in a very gentle way. Bihira lang gawin iyon ni dustine at natutuwa ako kaya binibigyan ko kayo ng isa pang chance." Nakangiti nyang sabi.

Gulat na gulat ako syempre, pero ng matauhan ako ay nagpasalamat ako sa kanya nagpasalamat saka ako nagtatakbo palabas ng faculty.

Ang saya saya ko! Sobrang saya na ung inis ko kay jerk dahil nazero kami noon ay napalitan ng tuwa lalo na't iniisip ko palang na nakiusap sya kay teacher dahil sa akin gusto ko ng magtatalon sa tuwa! Kyaaaaaaaah!

Campus Idols [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon