Chapter 49

724 40 5
                                    

Crystal's POV

After being hailed as the Royal Couple. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ewan ko ba pero sobrang saya at sobrang sarap sa pakiramdam. Hindi ko naman kasi akalaing magagawa namin yun kagabi lalo pa't hindi ko naman yun pinaghandaan pero mukhang dahil yun sa jerk na to na ngayon ay ngiting ngiti habang nakatitig sa akin.

Jusko po! Matutunaw na talaga ako. Konting konti nalang.

"Wag mo nga akong titigan!" Ibinato ko sa kanya ung tissue sa tapat ko pero hindi nya iyon pinansin.

Nandito kami ngayon sa restaurant nya para maglunch. Ewan ko ba naman kasi sa kanya eh, sabi ko na nga dun nalang kami sa bahay.

"I'm so happy." Ngumiti sya sa akin then he reached out for my hand and squeezed it gently. "I love you." Bulong nya.

Napangiti ako.

Bwisit! Kinikilig talaga ako.

"Mahal din kita. Kaya pwede ba? Wag kang masyadong sweet kasi baka magkasakit na ako." I chuckled.

"Okay lang. Nandito naman ako para alagaan ka." He winked at me.

Geez!

"Okay, fine. Kinikilig na talaga ako. Alam mo yun?" Tumawa ako ng mahina at ganun din naman sya.

Kasalukuyang pinaghahandaan ng school ngayon ang magaganap na victory party next week. Hindi nga kami isinali sa preparations dahil para sa aming dalawa daw yun. K, fine.

Actually naeexcite din naman ako. Bukas na rin aalis sa bahay si timmy, masaya ako for her pero nakakalungkot din.

"Bukas na lilipat si timmy sa condo na binili mo para sa kanya." I sighed deeply. "Kailan mo ba planong pagharapin sila ni tita Via?" Tanong ko pa. 

"I don't know." Sagot nya na may malalim na buntong hininga.

"Kung sakali man, hindi mo naman na sana kailangang ibili sya ng condo kasi pwede naman tumira nalang sya sa bahay nyo eh."

"But I really wanted to give her that condo."

"Tutulungan kita. Kung sakali mang gusto mo nang magharap sila ni tita via? I'll help you."

"Thank you." He replied.

Pagkatapos namin kumain, nagpasya kaming sunduin na si timmy sa bahay. Nagdesisyon kasi syang dalhin ulit si timmy sa orphanage tapos kasama na ako :3

Last time, dalawa lang silang nagpunta. Actually ilang beses nya na ring idinala si timmy doon pero until now, wala paring improvements. Pati sa mga lugar na pinapasyalan nila noon idinadala nya rin si timmy pag may oras sya pero sadyang hindi nakikicooperate ang utak ni timmy at walang bumabalik na kahit kaunting memories nya lang.

Pagkasundo namin kay timmy, dumiretso kami agad sa orphanage kung saan sinalubong kami nila sister rose at sister Gina. Okay? They looked surprise seeing me with these two. Oo nga naman, si drake kasi ang kasama ko usually tapos ngayon iba naman. Ang galing.

"Hello po." Ngumiti ako.

"Oh hija. Kamusta ka?" Tanong nila sa akin saka lumingon sa dalawa. "Kasama mo si dustine at iris?"

"Ah, Opo." I answered.

Napangiwi ako.

Pumasok kami sa loob. Kumapit sa akin si timmy habang si jerk ay kinakausap sila sister.

"Wala ka parin bang naaalala kahit konti?" Tanong ko kay timmy habang naglalakad kami papunta sa learning place ng mga bata. Masyado pa kasing mataas ang araw at hindi pa sila pwedeng maglaro kaya sa ganitong oras ay nag aaral sila pagkatapos ay matutulog.

Campus Idols [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon