"Thank you po. Tetext na lang po namin kayo kung papasundo na po kami." Sabi ko kay Manong.
It's been one week since we came here. At ngayon, umpisa na ng klase.
Naglakad na kami ni kambal papasok. Huminto kami sa waiting shed at hinintay ang shuttle bus. Ngayon ko lang nalaman na may ganto din pala dito dahil nung nagenroll kami hindi yun nagikot.
"Sakay na lang tayo, ah? Sa building C pa first class ko e." Sabi ni Kate.
Tumango ako at hinintay na ang shuttle. Nang dumating iyon ay sumakay na kami sa bandang gitna.
Umandar na ang shuttle habang ako ay nakatingin lang sa mga dinadaanan namin. Nang huminto iyon sa Building A kung saan nandun ang first class ko ay nagpaalam na ko kay Kate at bumaba na. Umakyat na ko sa second floor kung saan nandun ang first class ko.
To my favorite spot, umupo na ako sa dulo. Buti na lang at may bakante pa. Tinignan ko ang relos ko at nakita kong 10 minutes pa pala.
Sinuksok ko na lang ang earphone ko at tumingin na lang sa bintana na tanaw ang bawat building ng Statton.
Naramdaman ko ang pag galaw sa gilid ko kaya napatingin ako doon. Nakita kong may lalaking tumabi saakin. Fair skin tho. Bumuka ang bibig niya. It means may sinasabi siya. Pero nakaearphone ako kaya hindi ko marinig.
"Are you saying something?" Tanong ko sakaniya ng tanggalin ko ang earphone ko.
Tinignan niya ako ng masama pero nakanguso. Napakunot tuloy ang noo ko. Weird!
"Wala."
Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin na sa harap. Sakto namang dumating na ang Prof namin.
And as usual, pakilala chuchu.
"Justine Esmael. 17 years old po. Mabait." Tumatawa siya habang sinasabi niya iyon.
Natuwa ako sa tawa niya kaya tinignan ko siya habang tumatawa. Mabait? His face says the opposite. Halatang bad boy at mahilig sa gulo.
But wait, Justine Esmael... sounds familiar to me.
"Dos!" Sabi nung mga lalaki sakaniya at tumango lang siya.
Dos? Bantot ah.
"Your turn." Sabi niya sakin.
Tumayo ako at pumunta na sa harapan. Uh, sheez! All eyes on me!
"Hi! Margaux Fortalejo. Turning 18." Ngiti ko sakanila.
"Kayo yung transferee diba?" Tanong nung isang lalaki sa bandang gitna.
"Yup."
Sumipol sila pero hindi ko na lang pinansin at umupo na ko sa upuan ko. May iba pa ding nakatingin saakin. O saamin?
"Katabi niya si Dos. Ang swerte! Hindi niya pa siguro alam."
Rinig ko ang mga bulungan ng mga babae. Napatingin tuloy ako sa katabi ko na pinaglalaruan ang ballpen niya. Napansin niya sigurong nakatingin ako sakaniya.
"Yes?" Tanong niya saakin.
Umiling lang ako at tumingin na sa harap.
"You're weird." Rinig kong sabi niya ulit.
"Mas weird ka. Magsasalita kanina tas sasabihin wala." Sabi ko habang hindi pa din inaalis ang tingin sa harapan.
"I just noticed your looking at me. At ngayon, nahuli nanaman kitang nakatingin sakin. And besides, hindi ko alam na nakaearphones ka kanina, Miss Fortalejo."
![](https://img.wattpad.com/cover/52191692-288-k606571.jpg)
BINABASA MO ANG
And they meet again ❤
ActionChildhood friends comes to be their best enemy. What will happen? Uunahin ba nila ang pagkakaibigan nila? O papairalin nila ang bad sides nila para lang sa kung anong meron sila? Find out. :)