Chapter 20

3.7K 100 9
                                    

Margaux's Pov

"Kambaaaaaal!" Sigaw ni Kuya mula sa labas.

Nagmadali kaming lumabas ni Kate. Pangsampung beses na ata sinigaw ni Kuya 'yan.

"Ang tagal niyo naman, ate!" Reklamo nila Chivas saamin pagbaba namin.

"Whatever." Sabay naming sabi ni Kate at inirapan sila.

Kumuha lang ako ng sandwich at sumunod na sakanila sa garahe. Sa passenger seat ako umupo at ng makasakay na din si Kate ay pinaandar na ni Kuya ang kotse niya.

Wala si Mommy. Maagang umalis para pumunta sa opisina. Si Grandma naman ay pumunta sa botique.

"Malapit na pala first quarter exam. Ate, turuan mo ko." Kalabit sakin ni Ced sa likod.

Nilingon ko siya. "Hmm. Sige! Basta may kapalit?" Ngumiti ako sakaniya.

"Alam ko na, ate. Oo na cheesecake mo." Tumatawang sabi ni Ced.

"Hala! Ako din ate! Turuan mo ko!" Sabi ni Chivas.

Napatakip kami sa tenga namin. Akala mo hindi lalake kung makasigaw eh.

"Makasigaw naman 'to! Oo na. Kailan ba exam niyo?" Tanong ni Kate sakaniya.

"Sa wednesday na ate."

Tumango si Kate sa sagot ni Chivas. Monday na ngayon. Ang bait talaga ng dalawang 'to. Kung kelan malapit na exam dun pa lang magrereview.

"Makikireview din ako." Tumatawang sabi ni Kuya at niliko para huminto sa tapat ng EU.

"Manggugulo ka lang ata Kuya eh!" Sabay na sabi ni Chivas at Ced.

Tumawa lang si Kuya at hininto na ang sasakyan.

"Bye, ate! Bye Kuya!" Paalam nila samin.

Hinalikan nila ang pisngi namin ni Kate. Lumapit sila sa window ni Kuya at nakipagfist bump bago pumasok.

Pinaandar na din agad ni Kuya ang sasakyan papunta sa Statton. 8:30 pa naman ang pasok namin pero gusto lang namin maging maagang tatlo.

Nagkwentuhan lang kaming tatlo hanggang sa makadating kami sa Statton. Walang inoopen si Kuya tungkol sa battle. Siguro nga nilalayo siya ni Ate Rica sa mga usapan na ganun.

"Itext niyo na lang ako, okay?" Sabi ni Kuya at hinalikan ang noo namin ni Kate.

Pumunta agad kami sa shuttle. Sa building A ako samantalang si Kate ay sa C pa. Nauna akong bumaba at nagpaalam sakaniya bago umakyat sa second floor.

"Fortalejo!" Napalingon ako sa tumawag sakin.

Nakita ko si Justine na tumatakbo papunta sakin. Nakabukas ang polo niya dahilan para makita ang black shirt sa loob niya. May blonde din ang buhok niya.

"Kailan ka nagpakulay?" Tanong ko sakaniya.

Inayos niya ang buhok niya at nagpogi sign. "Bagay ba?" Tumawa siya. "Kagabi lang."

Tumango na lang ako at pumasok na kami sa room namin. Magkaklase nga pala kami dito sa subject na 'to.

Lahat napatingin samin. Nakita ko si Rachelle at Nicole. Mga biatch. Nakita kong sumama ang tingin nila sakin lalo na ni Rachelle. Hindi ko na lang siya pinansin at umupo na sa favorite spot ko.

"Pwede layo layo?" Sabi ko kay Justine ng nakataas ang kilay.

"Ayoko nga." Sabi niya pa at bumelat.

Napairap ako. Oh, whatever.

Dumating na ang prof namin at nagsimula na siyang maglecture. Nagpaquiz pa nga at halata sa mukha ni Justine na nahihirapan siya.

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon