Chapter 19

3.6K 95 15
                                    

Hailey's Pov

May tumawag kay Key. Napatingin ako sa orasan at nakita kong 12:05am na.

"Hello?... Owki! Pababa na kami." Ayun lang ang tanging sinabi ni Key bago ibaba ang phone niya at tignan kami. "Nasa baba na sila. Tara na." Sabi niya at sinuot ang jacket niya.

Sinuot din namin ang jacket namin. Malamig na din sa labas eh. Tinignan ko ang kambal na ngayon ay nakasimangot.

"Ba't kayo nakasimangot?" Tanong ko sakanila.

"Kung ano ano sinabi nila Ced eh. Kala mo mas matanda samin kung pagsabihan kami." Sabi ni Kate.

Ngumiti lang kaming tatlo sakanilang kambal.

"They just really care for the both of you. Hindi natin sila masisisi. Sila Kuya din naman sakin eh. Pero naiintindihan nila ko." Sabi ko sakanila.

"Lalo na kay Cata. Alam kong sobra din yung pagp-protekta ng Kuya niya sakaniya." Tinignan ni Key si Cata. "Ganun lang talaga nila kayo kamahal. Buti nga kayo may mga Kuya at Ate eh. Eh ako? Panganay." Sumimangot si Key kaya nagtawanan kami kaya napairap siya. "Tama na nga 'to! Tara na!" Sabi niya at lumabas na.

Tahimik na sa dorm. Halatang mga nagmadaling magsipuntahan sa abandonang building.

Pagbaba namin sa pinakababa may mga group of well, nerds, na nagbabasa. Ngumiti lang kami sakanila at nahihiyang ngumiti din sila samin.

Paglabas namin ay nandun na ang Burning Mafia. Mga nakawhite sila. Ayun nga pala ang kulay ng grupo nila.

"San lamay?" Tumatawa kong tanong at binatukan naman ako ni Key.

Nakita kong nagtawanan din sila JV. Iba ang leader ng grupo na 'to kesa sa SP. Tahimik at laging seryoso si Genre. Pero 'tong si JV, halatang makulit at madaldal.

"Hey wassup hello!" Tumatawa nilang sabi.

Nakita kong walo sila. Si Steeven, Aron at Mj ang tatlo pa nilang kasama na nakangiti din samin.

"Let's go?" Aya nila.

Tumango naman kami.

"Thank you talaga sainyo!" Nakangiting sabi ni Key.

Inakbayan naman siya ni Jmart at ginulo ang buhok. "Anything, em em." Sabi nito at naglakad na sila.

Nagkatinginan lang kaming apat. May naaamoy akong malansa ha?

Naglakad na kami. Ang dami pala namin. Naguusap usap na din kami. Si JV at Margaux magkausap pati si Aaron. Si JB at Kate naman. Tapos si Cata at Nicholo kasama si Mj.

"Ang payat mo naman." Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Kian.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Nahiya naman ako sa taba mo." Tumatawa kong sabi.

"Aw, taba pala eh." Sumulpot bigla si Steeven sa kabilang gilid ko.

Tumawa si Kian. Oo nga pala, nakabrace siya.

"Gento ka ba magshalita?" Tumatawa kong sabi.

"Hindi ah. Porket nakabrace?" Ngumiti siya.

Nagusap usap kami. Madaldal sila parehas. Makulit din. Halos lahat naman ata ng miyembro ng BM makulit at madaldal.

Nakita namin na may bumagsak galing sa taas ng dorm ng faculty. Nakakita ako ng tshirt na kulay gray. May tumalon pa ulit galing sa kabilang side ng dorm, nakakulay dark blue naman.

Gumilid agad kami nila Cata pero hinatak agad kami ng mga 'to.

"Hayaan niyo sila." Sabi ni JV.

Napasulyap samin ang nakagray na shirt. Kilala ko siya. Siya si Mark. Part ng basketball team.

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon