Chapter 4

5.4K 144 14
                                    

Catastrophe's Pov

Vacant time ko ng mapagdesisyunan kong tumambay muna sa field.

Second day na namin dito. Hindi ako nainform na puro mababait pala ang estudyante dito. Halos wala akong makitang nagaaway o baka naman hindi ko pa nakikita?

Nakakita ako ng lumilipad na bola patungo sa direksyon ko. Buti na lang nakita ko agad at natabig ko gamit ang kamay ko.

Medyo masakit ah?

"Oops! Sorry!" Sabi saakin ng chinitong lalaki habang tumatakbo sa gawi ko.

"Ano ba ha? Ang lawak lawak bakit kailangan dito niyo pa ipatama yung bola?" Inis kong sabi sakaniya at tinignan siya ng matalim.

"I'm sorry, okay? Hindi naman sinasadya e."

Magsasalita pa sana ako ngunit tumakbo agad siya pabalik sa mga kasama niya. Aba nakakainis!!

Ramdam ko ang titig sakin ng mga estudyanteng nandito. Lalo na nung mga babae kaya tinaasan ko sila ng kilay. Nagiwas naman sila ng tingin at nanood na lang ulit dun sa chinitong 'yun!

Habang naglalaro sila, nakatitig lang ako dun sa chinitong lalake. Maputi, pointed nose, messy hair at singkit na mata.

Napatingin naman siya sa direksyon ko. Ngumiti siya at nagpeace sign. Ako naman sinimangutan siya. Hindi kami close para gumanun siya!

"Hoy! Sinong tinatanaw tanaw mo diyan ha?"

"Ay chinito!"

Tinignan ko ng masama si Hailey habang tumawa. Siraulo 'tong bruha na 'to!

"Ikaw ah! Titig pa more!" Asar niya saakin at tinignan muli yung chinito.

"Ewan! Isang hangin na lang hindi umiihip, matatangay kana!" Inis kong sabi sakaniya at umirap.

Umupo naman siya sa tabi ko at tumigil na sa kakatawa. Mabuti naman. Kasi kung hindi ipapakain ko sakaniya 'tong mga damo na nandito. Mukha naman siyang kambing.

"Pero gwapo naman ah?"

Tinignan ko siya at nakita kong mariin siyang nakatingin dun sa chinitong yun.

"Crush mo na?" Tanong ko sakaniya.

Tinignan niya ako at tinaasan niya ko ng kilay. "Alam ko namang sayo na 'yan. Hindi ako mahilig mangtalo."

"Ang drama mo."

Tinawanan niya lang ako at tinignan na muli yung mga naglalaro. Tinignan ko ang relo ko at nakita kong next class ko na.

Tumayo na ako at akmang aalis na ng tinanong ako ni Hailey.

"San punta?"

"Next class."

Hindi na siya kumibo kaya nagtuloy na ako sa paglalakad. Lahat sila napapatingin sakin. Ano bang problema ng mga 'to?

"Isa siya sa mga transferee diba?"

"Oo, ganda niya no? Kaso mukhang mataray."

Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na sa building F. Ang dami naman kasing building dito! Buti na lang malapit 'to sa field.

Umakyat na ko sa second floor at hinanap yung room na papasukan ko. Nang mahanap ko ay pumasok na ako doon.

"Nice. May transferee na na maganda."

Really? First time? Tss.

"Catastrophe!"

Napatingin ako dun at nakita ko si Athena na papalit sakin.

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon