Chapter 32

3.5K 95 22
                                    

Margaux's Pov

"THIS IS IT!" Sabay sabay naming sigaw ng mabasa namin ang laman ng sulat.

Halatang hindi sila makapaniwala. Kahit ako, hindi ako makapaniwala.

Hindi namin kinausap ang heirs. Ni hindi pa nga namin sila nilalapitan tungkol doon. Pero dahil siguro napanood nila kami kaya pinadalhan nila kami ng sulat.

"I can't believe this!" Sabi ni Cata.

"Sila mismo ang nagsabi. Sila ang gumawa ng move para makasali tayo!" Sabi ni Kate.

Nakikita ko sakanila ang tuwa. I can't blame them. Ilang taon na din after nung huli kaming nakipagbugbugan.

"And bukas na agad! Grabe. Hindi ata ako makakatulog nito." Sabi ni Hailey.

"Kung may fast forward lang talaga." Sabi ni Key.

Natawa naman ako. "Mga excited naman kayo."

"Bakit ikaw?" Tanong ni Cata sakin.

"Excited din ako. Pero makakatulog naman ako no!" Sabi ko sakanila.

Biglang bumukas ang pinto ng connecting room at nakita namin ang tatlo na pumasok.

"Patambaaaay~" Sabi ng tatlo at umupo sa sofa.

"Ano chika niyo?" Tanong ni Athena.

"Guys!" Ayan. Sabi na e. "Kasali na kami!" Tuwang tuwa na sabi ng lima.

Mukhang nagulat ang tatlo kaya hindi sila agad nakapagsalita.

"Weh? Letche 'wag mo kaming jinojoke ah!" Sabi ni Bea.

"Edi 'wag kayong maniwala." Tumatawang sabi ni Key.

"Patunay nga?" Sabay sabay pa na sabi ng tatlo.

Ngumisi naman si Kate at kinuha ang papel na nilapag ko sa table kanina at pinabasa sakanila 'yun.

Nakita kong namilog ang mata nila.

"Oh my freaking g! Totoo nga!" Sabi ni Tricia habang nakatingin pa din sa papel.

"Waaaaaah!" Sigaw ng tatlo kaya napatakip kami sa tenga namin.

"Pucha!" Sigaw ni Kate habang nakatakip pa din sa tenga niya.

Sinamaan ng tingin ni Cata ang tatlo kaya agad nilang tinikom ang bibig nila.

"Hala sorry!" Sabi ni Athena.

"Hindi lang talaga namin napigilan." Bea.

"Grabe hindi ako makapaniwala!" Tricia.

"We feel you." Sabi ko sakanila.

"Idol na talaga namin kayo! Pero wait, pano niyo napapayag ang heirs?" Tanong nila samin.

"'Yun nga!" Sabi ni Hailey. "Wala kaming ginawa. Hindi kami lumapit sakanila and asked if we can join. Nakita lang nila kaming nagt-training dalawang beses and the second happened earlier. Then nakipagkita ang SP samin at inabot 'yang sulat kay Marg!" Explain ni Hailey.

"Really?" Mukhang hindi makapaniwala ang tatlo.

"Ang heirs mismo ang nagsabi na magkakabattle na agad kayo bukas?" Tricia.

Tumango kami at sila naman parang namangha ng sobra.

"Ang astig!" Sabi nila.

At ayun, ilang oras ang lumipas puro advice ang tatlo saamin.

"Dapat ilagan niyo! Tapos dapat 'wag kayong mahuhumaling sakanila dahil puro gwapo ang makakalaban niyo. Nagpapasalamat nga kami sa heirs dahil mga gwapo ang tinatanggap nila. Pero syempre, SP at BM pa din!" Kinikilig na sabi ni Bea.

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon