Margaux's Pov
Naglakad na kami papunta sa parking lot. Pumunta na kami kung saan nakapark ang kotse ni Kuya at nakita kong may mga babaeng nagkukumpulan.
"Easy girls. Easy." Narinig ko pa ang tawa ni Kuya.
"Hoy!" Sigaw ko at lumapit agad sakanila. 'Tong tatlong kumag naman na 'to tumatawa.
Nakita kong sumimangot yung mga babae at tinignan ako.
"Tabi nga!" Sabi sakin nung isa at bahagya pa akong hinawi.
Aba! Nanlisik ang mata ko at nakita ko sila Cata na hinila 'tong mga haliparot na 'to.
"Umalis nga kayo! Kababae niyong tao kayo pa nanghihingi ng number ng lalake! Nakakahiya naman sainyo! Alis! Shoo!" Sabi ko at ginamit ang kamay ko para sa 'shoo'.
"Pakealam mo ba ha?" Inis na tanong sakin nung babae.
"Hoy! Kapatid ng tatlong 'yan yung binabangga mo ha! At 'wag mong lapitan ulit 'tong Chivas ko." Sabi ni Key at lumapit kay Chivas.
Nagbulungan naman yung mga babae bago sila umalis. Hindi ko pa din inalis ang masama kong tingin sakanila hanggang sa sumigaw si Hailey.
"Ohmygod! Nandito na talaga kayo!" Tuwang tuwa niyang sabi kaya nabaling ang tingin ko sakaniya.
Nakita kong lumapit siya kay Ced habang si Cata kay Kuya.
"Ano nanaman ba Cata?" Tanong ni Kuya kay Cata.
Tumawa si Cata. "Pasalamat ka huminto ako ng isang taon para makasabay kila Key kung hindi parehas tayo ng sched."
Napailing na lang si Kuya at ngumiti din.
"Nga pala, pinapapunta kayo ni Mommy sa bahay. Nagpaluto siya ng carbonara kay Manang." Sabi ni Kuya.
"Oo nga mga ate. Tara sama kayo?" Aya ni Chivas.
"Sige ba!" Walang pagdadalawang isip na sagot ng tatlo.
Tumawa si Ced. "Hindi tayo kasya sa isang sasakyan."
"Aww, don't worry baby Ced, gagamitin ni Cata sasakyan niya susunod kami sainyo. 'Wag ka magalala." Ngumiti si Hailey kay Ced at pinisil yung pisngi ni Ced. "Namiss talaga kita."
"Oy oy oy. Tama na 'yan. Child abuse!" Sabi ko at pinitik ang kamay niya.
"Baka gusto mong ako pumisil sa pisngi mo? Ang cute cute mo talaga, Hailey!" Sabi ni Kate at umaktong nanggigigil pa na pisilin ang pisngi ni Hailey.
Sumimangot naman si Hailey samin. "Namiss lang eh." Nakanguso niyang sabi.
Tumawa na lang ako. "Sige na! Tara na sa bahay." Sabi ko at pumasok na sa kotse ni Kuya.
Pumasok na din sila Ced at sa gitna namin siya pumwesto.
"Ang gwapo ko talaga." Sabi ni Kuya at tumawa.
"Sus! Kala mo ikaw lang Kuya?" Nakangiti ng nakakaloko 'tong si Chivas.
"Bata ko pa pero habulin na ko ng chix." Nagpogi sign pa si Ced.
"Magaral ka muna dami mong alam e." Sabi ko sakaniya.
Inakbayan niya naman ako at sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko.
"Selos ka lang ate e."
"Neknek mo."
Nagtawanan lang silang tatlo at pinagkwentuhan na yung pagpapalibot sakanila ng mga babae kanina.
"Wala namang bagay sainyo. Hindi naman kayo mahal nun. Gusto lang kayo nun dahil gwapo kayo." Sabi ni Kate.
"Tama. Pero pag pumangit na kayo, wala na silang pakealam sainyo." Pagsang-ayon ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/52191692-288-k606571.jpg)
BINABASA MO ANG
And they meet again ❤
ActionChildhood friends comes to be their best enemy. What will happen? Uunahin ba nila ang pagkakaibigan nila? O papairalin nila ang bad sides nila para lang sa kung anong meron sila? Find out. :)