Chapter 26

3.6K 107 7
                                    

Kate's Pov

Tinanggal ko ang pagkatapak ko sa dibdib ng lalaking 'to. Nakita kong hirap na hirap siyang gumalaw.

"Aalis ka ngayon sa harap ko o hihilahin pa kita?" Tanong ko sakaniya.

"T-teka lang.."

"Ba't ako pa maghihintay? Pagkabilang ko ng tatlo dapat wala kana sa harap ko!" Sigaw ko sakaniya. "Isa!"

Nakita kong pinilit niyang tumayo. "Dalawa!" Inalalayan siya nung kasama niya na halatang hirap na din bago naglakad paalis.

Naagaw ng tingin ko sila Rachelle na halatang gulat sa mga pangyayari.

Looks like she planned this.

"Heirs.." Sabi namin ng makita namin ang nagsalita.

Ang tahimik ng paligid. Pero lahat sila nakatingin saamin.

"Saan niyo natutunan ang mga ginawa niyo?" Tanong samin ng isang babae.

Inangat ko ang tingin ko.

Magkahawig sila ni Justine. Oo nga pala, kapatid ni Justine ang isa sa heirs.

"We're amazed. Wala kaming nakitang mga babae na ganun kung makipagaway. Are you sure na babae kayo?" Tumatawang tanong samin ng isang lalake na heir.

Hindi kami umimik pero nakangiti samin ang mga heirs.

"I can't believe that the five of you beat that ten men." Sabi pa nung isa.

Ngumiti lang kami pero halatang naiilang kami.

"Anyway, I'm Julianne. Julianne Esmael." Pakilala nung babae.

"I'm Vinny."

"Frank."

"And I'm Yarc." Pakilala nilang apat.

Nagpakilala din kaming lima. Pero mukhang kilala na nila kami. They're handsome. At halatang reyna nila ang nagiisang babae na heirs na si Julianne.

"We didn't expect to see girls fighting with some guys. And it's hard to believe that we just witnessed something." Halatang hindi pa din makapaniwala ang boses ni Yarc.

"You made the heirs amaze." Ngumiti samin si Frank.

Sht! Yung panty ko! Huhuhu! Kapit lang garter! 'Wag kang malalaglag dahil sa pamatay na ngiti niya! Huhu!

"May masakit ba sainyo?" Tanong ni Vinny.

Lumapit samin ang tatlong lalake at inisa isa ang braso at hita namin.

"Magkakapasa ka." Sabi ni Yarc kay Hailey.

"Hindi po ako mamamatay dahil diyan," Sabi ni Hailey sakaniya kaya napangisi si Yarc.

Tumingin ako ulit sa paligid. Madaming nagp-picture.

Napako ang tingin ko sa bandang likuran.

It's the Solid Princes and Burning Mafia. Nakatingin lang sila saamin pero biglang ngumisi si JV.

"Take a rest now. Yung iba sainyo may klase pa bukas." Sabi ni Julianne sa mga nanonood samin bago kami tignan ulit. "Lalo na kayo. You need to take a rest. And ready yourselves tomorrow because I'm sure, kayo ang paguusap usapan." Sabi niya bago kumaway at ngumiti. "Have a goodnight.."

Naiwan kaming nakatunganga hanggang sa mawala na sila sa paningin namin.

"I can't believe it.." Rinig kong sabi ni Key.

"It's the heirs!! The heirs!!" Sigaw ni Hailey habang tinuturo ang dinaanan ng heirs.

Pare parehas kaming hindi makapaniwala. They really talked to us!

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon