Chapter 30

4.6K 126 36
                                    

Hello po! I just wanted to say THANK YOU sa mga sumuporta sa story ko na Campus Nerd to Campus Queen and ang book 2 nun na Campus Queen. 4.93M and 1M readers na po silang dalawa. Grabe! Salamat po sainyo. :) and may announcement po ako. Nasa baba po sya. Enjoy this chapter and salamat din po sa pagsubaybay dito. ^_^

Kate's Pov

"Tapos na ba kayo?" Narinig namin si Kuya na nasa labas ng kwarto.

Sunday na kasi. Well, wala kaming ginawa kahapon. Ngayon magsisimba kami kasama si Grandma at Mommy. Oh diba? Ang saya lang ^o^

"Eto na Kuya!" Sigaw ni Margaux at nagsuklay pa siya ng isang beses bago tumayo.

Kinuha ko na ang body bag ko at sinuot naman ni Margaux ang mini backpack niya at tumungo na kami sa pinto.

"Tagal ha?" Sabi ni Kuya pero binelatan lang namin siya at inakbayan niya naman kami.

Bumaba kami at nakita namin si Chivas na nakatapat sa salamin. Kahit kailan talaga 'to!

"Si Ced?" Tanong ni Margaux.

"I'm here ateee!" Napalingon kami sa pinanggalingan ni Ced at nakita naming may nginunguya siya.

"Patay gutom amp." Sabi ni Kuya kaya sinamaan siya ng tingin ni Ced.

Nagtawanan naman kami at umupo muna.

"Tagal naman nila Grandma." Sabi ni Chivas habang nakatapat sa salamin at inaayos ang buhok.

"Hoy Chivas! Kahit anong papogi mo diyan hindi moko matatalo." Sabi ni Kuya at tumabi sakaniya at nakiayos din ng buhok.

"Kala niyo naman talaga! Mga matatanda na kayo kaya ako pinakagwapo." Sabi din ni Ced at tumabi kay Kuya at inayos din ang buhok niya.

Napairap kami ni Margaux. Araw araw lagi nilang pinagtatalunan 'yan.

"Pare parehas lang naman kayong gwapo mga apo. Kaya hindi niyo na kailangang magaway."

Nakita namin si Grandma na pababa kasabay si Mommy kaya tumayo na kami.

"Grandma diba ako pinakagwapo?" Ayan. Sabay sabay silang nagtanong kay Grandma.

Tumawa naman si Mommy. Habang si Grandma ay tumatango.

"Oo na, gwapo na kayo." Sabi ni Grandma.

Tumawa kami ni Margaux. "Napipilitan lang si Grandma!" Sabay naming sabi at tumawa.

Tinignan kami ng masama nila Kuya.

"Kala niyo naman ang ganda niyo!" Sabi ni Kuya.

Bumelat lang kami sakaniya at tumawa ulit.

"Ay tama na 'yan! Tara na." Sabi ni Mommy kaya lumabas na kami patungo sa garahe.

Si Mommy at Grandma ay sa isang sasakyan. Kami namang lima ay sa sasakyan ni Kuya. Hindi kami kasya no!

"Jimwel! Ayusin mo ang pagd-drive mo!" Sigaw ni Mommy mula sa isang sasakyan.

"Yeah, Mom!" sigaw ni Kuya at pinaharurot na.

Malakas ang sounds namin habang nagd-drive si Kuya. Kung ano ano pa ang kine-kwento ng mga 'to.

Nakarating kami sa simbahan at naghanap na kami ng pwesto. Ang daming bumabati kay Grandma at Mommy dahil kilalang designer at business woman si Mommy na single mom.

"Omg! Is this your childrens, Trinity?" May lumapit saamin na babae na siguro ay nasa 30's na.

Tumawa si Mommy. "Yes, what a coincidence! Nandito ka din pala." At ayun nakipagkwentuhan sila Mommy doon sa babae.

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon