Chapter 8

4.5K 130 15
                                    

Hailey's Pov

Ilang araw na din ang lumipas. Okay naman ang nagiging sitwasyon namin sa Statton. Naging sikat nga lang kami ng konti lalo na si Margaux at Catastrophe dahil sila yung nilapitan sa cafeteria.

"Ano bang problema niyo ha? Dahil lang ba sa paglalapit samin nagagalit na kayo? May batas ba dito na bawal silang kumausap ng babae?"

Nakarinig ako ng parang nagaaway. Napatingin ako sa CR ng mga babae at nakabukas ang pinto dun. Pamilyar sakin yung boses. Parang si..

"Cata!" Tumakbo agad ako papasok sa loob ng makita kong sinampal si Cata.

"Kahit sinong miyembro ng solid princes ay samin lang! Hindi pwedeng mapunta sa iba! Hindi pwedeng masayang yung mga ginawa namin para sakanila!" Galit na galit na ang babaeng nasa harapan namin ngayon.

Inayos ni Cata ang buhok niya at matalim na tinignan ang mga babae na nasa harapan niya. Lima sila.

"Oh edi inyo na. Inaangkin ba namin?"

"Wala kaming ginagawang masama sainyo." Sabat ko.

Tinignan ako ng tatlong babae. "Hindi ka kinakausap. 'Wag kang mangialam." Irap nila sakin.

"Kaibigan ko ang pinagkakaisahan niyo."

"Kung hindi siya duwag, lumaban siya. At dapat lang sakanya 'yan."

Hinawakan ako ni Cata sa kamay. "Hayaan mo na 'yang 'yan. Tara na." Hila niya sakin.

"Hoy Swift! Hindi pa tayo tapos!"

Tinignan siya ni Cata. "Hindi naman naging tayo ah? Shut your mouth, dear." Sabi ni Cata at kinindatan yung babae.

Natawa na lang ako. Baliw talaga 'tong babaeng 'to! Pinilosopo ba naman yung mga babae kanina.

"Ay shit." Napatingin ako sakaniya dahil bigla siyang nagmura.

"Bakit?"

Biglang dumilim ang aura niya. "Si Margaux."

Napaisip ako saglit. At ng marealize ko kung anong pinupunto niya sinundan ko siya. Tumakbo na din ako kasunod niya.

**

"Sinabing wala nga akong alam eh! Ano ba!" Nakarinig kami ng mga daing na para bang sinasaktan sila.

Sa lawak ng Statton, ang hirap hanapin kung asan si Margaux. Napadpad na kami dito sa parte na wala masyadong estudyante na dumadaan.

"Liar!"

Sinundan namin ang boses. Nasa dulo ng hallway na 'to. Pagdating namin dun nakita ko yung tatlo sa limang babae kanina. Hawak hawak na ngayon ni Margaux yung kamay nung babae. Para bang pinipilit niya 'yun.

"Ouch!" Daing nung babae.

"Ayoko sa lahat pinagbibintangan ako!" Galit na sigaw ni Margaux at tinulak yung babae.

Yung dalawa naman ay hinawakan si Margaux sa magkabilang braso kaya tumakbo agad kami papunta dun at tinulak yung dalawang babae ng malakas. Napasandal naman sila sa pader.

"Tungkol ba 'to sa SP? For you to know, hindi kami ang lumapit sakanila. Kaya stop with your childish moves!" Sigaw ni Cata.

Naglakad na kami paalis. Nakita kong namumula ang braso ni Margaux mukhang mahigpit ang hawak nung babae kanina.

"Sumali kayo sa battles. Patunayan niyong wala kayong gusto sakanila. Labanan niyo." Ngisi samin nung nasa gitna.

Hinarap siya ni Margaux at ngumisi din siya. "Kahit hindi mo na sabihin, plano na namin 'yan." Sabi niya at naglakad na ulit paalis.

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon