Chapter 23

3.7K 101 10
                                    

Hailey's Pov

Natapos ang huling araw ng pre lim namin ng maayos. Nakahinga na ko ng maluwag. Paglabas ko ay nagulat ako ng nandoon si Wade.

"What's up?" Inunahan ko na siya sa pagtanong. I know it's a little bit awkward. Ilang araw din kaming hindi nagkasama dahil sa pagkabusy.

"Nothing. Sinundo lang kita. May game kasi mamaya. Kalaban ulit namin ang BM. Can you watch?" Tanong niya saakin.

"Sure!" Masaya kong sagot.

Tapos na din naman ang pre lims. Wala na din namang gagawin pa. Mas masaya kung magliliwaliw muna kami dahil tapos na ang pre lims.

"Alright! Tara?" Binigyan niya ko ng ngiti.

Ngumiti din ako sakaniya at sumakay na kami sa shuttle patungo sa gymnasium. Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong sinagot.

"Hello?" Salubong ko agad kay Kian.

[Saan ka? Sunduin kita. Nood ka sa laro namin. Kalaban namin SP.]

Tinignan ko si Wade na nakatingin din saakin. Para bang naghihintay siya na sabihin ko sakaniya kung sino ang tumawag sakin pero hindi ko ginawa. Tinignan ko ang mga nadadaanan namin.

"Actually, papunta na kami sa gymnasium. Kita na lang tayo dun?"

[Kayo? Sinong kasama mo?]

"I'm with..." Sinulyapan ko muna si Wade na ngayon ay nakatingin sa kanan niya. "I'm with Wade.." Sagot ko sakaniya.

[Oh?] Nagiba ang tono ng boses ni Kian. [Okay. Pupunta na kami dun. I'll see you there.]

"Okay." Sagot ko at binaba na ang cellphone ko.

Tinignan agad ako ni Wade.

"Who is it?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Why do he have to know?

"Nevermind. You don't need to answer it, anyway." Ngumiti siya at tumingin na ulit sa kanan niya.

Bumaba agad ako pagdating namin sa court. Nakikita kong madami agad ang pumapasok sa loob. Katulad ng dati, may mga dala silang banners. Napailing na lang ako.

"Hi, Wade!" Bati kay Wade ng isang babae na sa tingin ko ay 3rd year din.

"Hey," Tugon ni Wade.

"Goodluck sa laro. We'll be watching!" Kumindat ang babae kay Wade.

Humalakhak naman si Wade. "Alright. Thank you."

Seriously? What's with the goodlucks? Hindi naman namin intrams para magdala sila ng mga ganun at para mag goodluck ng todo.

Maybe because its the two groups who will play?

"What's bothering you?"

Napatingin ako kay Wade. Papasok na kami ngayon sa loob.

"Wala naman." sagot ko sakaniya at tumuloy na kami sa loob.

Inaya niya ako sa pwesto sakanila. Pero tumanggi ako. Sakto din at nakita ko sila Kate sa gitna kaya doon ako pumwesto.

"Sinundo ka ni Wade?" Tanong sakin ni Margaux pagkaupo ko sa tabi niya.

"Oo. Kayo?"

"Si Justine ang nagaya samin."

Tumango na lang ako at tumingin na sa dalawang grupo. They're wearing their jersey now. Umingay ang paligid ng nagtanggal ng tshirt si Kian at JV bago isuot ang jersey nila.

"Hot!" Sigaw ng mga babae at nagtilian lahat.

Hindi din nagtagal ay nagumpisa na. Hindi mo pa din maiiwasang maramdaman ang tensyon sakanilang dalawa.

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon