Chapter 42

3.2K 89 8
                                    

Margaux's Pov

Malakas na hiyawan muli ang naririnig ko. Lahat nakatingin sa harap kung saan may nagtatalsikang dugo.

Days went by so fast. Isang linggo na lang ay debut na namin. And as the day passes by, umangat na kami sa gang world. We're having a battle now on 3rd floor. Which is, ang theme ay terminal.

Back to zero ang standing namin. Sa labing anim na grupo (dahil nadagdag kami), apat ang natanggal. Now, 12 na lang kaming maglalaban laban and I don't know if we'll reach the 10th floor. Dahil base sa mga sinabi nila noon ay kada SY daw ay hindi ginagamit ang ibang floor sa battle. Minsan daw ay hanggang walo lang o kaya ay hanggang anim. Depende daw sa heirs.

Biglang namatay ang ilaw. Hindi nagpanic ang lahat dahil kasama 'yun sa theme ng battle ngayon. Pag bukas ng ilaw ay nakita naming nakaupo sa gilid si Gin at Beejay habang nakahawak sa tyan nila.

Danger ang kalaban ng SP ngayon. Pangatlo pala ang Danger at nung isang araw ay nilabas nila ang ranking ng bawat grupo.

Nangunguna pa din ang SP sumusunod ang BM. Pangatlo ang Danger at sa pagkakaalam ko ay pangsiyam kami. Hindi nga makapaniwala ang GG dahil nalamangan namin sila.

Nabawasan din ang mga galit samin simula ng malaman nilang isa kami sa Top 10. Madaming nakikipagkaibigan pero alam naming plastikan lang iyon.

"Gin, get up!" Sigaw ni Kenji kay Gin habang may nilalabanan.

Mukhang hirap na hirap tumayo si Gin. Halatang nanginginig pa ang tuhod nito pati ang katawan.

"Ano nangyayari sa SP?" Tanong ni Hailey, kasabay ng pagtanong din ng mga nasa likuran namin.

"SP!!"

"Get up, Gin and Beejay!"

"Beat them Danger!"

Madaming sigawan. Tinignan ko ang BM at nakita kong titig na titig sila. Nakangisi sila Steeven habang nanonood.

Nabaling ang tingin ko kay Genre. Hingal na hingal siya at nasa isang tabi. Nakahawak siya sa tuhod niya pero ang gwapo pa din. May dugo din ang labi niya. Namatay muli ang ilaw kaya natahimik ang crowd.

It took seconds, at kasabay ng pagbukas ng ilaw ay ang malakas na suntok na binigay ni Genre sa leader ng Danger. Pati na din ang sipa sa dibdib ni Justine sa isa pang miyembro ng Danger.

Naghiyawan ang lahat. Napatayo ang BM dahil sa pagkapanalo ng SP. Hindi ako makapaniwala. Halos ilang segundo lang 'yun at pito pa ang natitira kanina samantalang ang SP ay apat na lang. Si Jeremiah kasi ay pumunta kay Gin at Beejay. Mas malala ata ang natamo ni Gin.

"That was fast and unbelievable, Solid Princes! Totoo ba 'yun, guys?" Humarap ang announcer samin at tinapat ang mic sa crowd, "Totoo ba?" Tanong niyang muli.

Naghiyawan ang crowd. Sobrang ingay kaya napapatakip na lang ako sa tenga ko.

"It's 1-0 for you, Solid Princes! You never failed to amaze us especially the crowd!" Nagpatuloy sa pagsasalita ang announcer.

Nakita kong inalalayan na nila si Gin at Beejay na paika ikang naglalakad at iniinda ang sakit na natamo. Tumayo na din kami at nalipat ang tingin ko kay Genre. Inangat niya ang tingin niya at nakita kong pagod na pagod siya but still he's handsome.

But his eyes... His eyes is shouting anger. I don't know why. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko makayanan ang tingin niya. Naglakad siya pababa ng stage at tumungo sa ibang daan naming mga gangster.

Meron kaming sariling exit. Nilalayo kami ng heirs sa mga normal students dahil hindi nila alam ang pinaplano ng bawat isa.

"Hindi talaga ako makapaniwala! It's only seconds when the lights got off pero pagbukas ay napatumba agad nila ang pito." Namamanghang sabi ni Cata.

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon