Chapter 43

3.2K 84 14
                                    

Hailey's Pov

"Ano ba kasing ginagawa mo dun?" Inis na tanong ni Kate sa kakambal niya.

Nandito kami ngayon sa dorm. Kakadating lang namin dito dahil umalis agad ang SP pagdating nung Alyssa.

"Alanganamang hayaan kong mabugbog mga 'yun? O kaya si Genre o isa sa Pelicans?"

Napangisi ako. "Sus, if I know si Genre lang talaga ang concern mo dun."

Sinamaan niya naman ako ng tingin at binato ako ng throw pillow. Tumawa ako lalo at inasar siya.

"Can you shut up!" Inis niyang sabi.

Binelatan ko siya at nagsign pa ng puso. Pero nang makita kong tatayo na sana siya tumigil na ako at nagtaklob ng kumot.

"Child abuse! Child abuse!" Sigaw ko.

"Gaga! Mas matanda ka pa nga sakin tapos child abuse!" Sabi niya at naramdaman ko ang pagdagan niya sakin.

"Aray! Yung tyan ko!" Sigaw ko dahil nakaupo siya sa tyan ko.

Nakataklob pa din ako ng kumot. Ang init!

"Alis! Ang init!"

Narinig ko ang pagtawa nila. "Bahala ka diyan!"

Tinulak ko siya at agad tinanggal ang kumot na nakataklob sakin. At nakita ko siyang nakaupo sa lapag. Humagalpak ako sa tawa dahil sinamaan niya ulit ako ng tingin.

"Sakit ba beh?" Tumatawa kong tanong sakaniya.

"Ah ganun ah!" Tumayo siya at tinuro ako. "Sugod!" Sigaw niya at biglang may nakadagan na sakin ulit.

Napuno ng tawanan ang dorm. Naghampasan kami ng unan at nagdaganan.

"Aray! Yung boobs ko!" Sigaw ko ng mabangga ni Cata boobs ko.

"May boobs ka ba?" Sabay sabay nilang tanong sakin.

Ako naman ngayon ang sinamaan sila ng tingin at hinampas sila ng unan. Nagtawanan sila at nagpatuloy kami sa harutan namin na ganun.

Well, I really love this girls.

"Padeliver ka ngang pizza!" Sabi ni Key habang nakasalampak sa sofa.

"Oy ikaw malapit diyan sa telepono ikaw tumawag." Sabi ko kay Cata at binelatan siya.

Inirapan niya ako at umorder na nga siya.

Lahat kami ngayon nakasalampak. Si Margaux nakahiga sa kama, ako ay nakasandal ang likod sa headboard, si Key nakasalampak sa sofa, si Kate nakaharap sa desktop at si Cata ay kausap ngayon ang oorderan.

Halos isang oras din kaming nagharutan. Kaya gutom kaming lima ngayon. Yung tatlo hindi pa pumupunta dito simula nung naghiwalay kami kanina.

We waited for almost 30 minutes nang may tumawag at binaba ni Cata. Pagbalik niya ay dala niya na ang dalawang box ng pizza.

"Who's Alyssa by the way?" Tanong ni Key habang ngumunguya.

"Hey guys!" Biglang bumukas ang pintuan showing the three girls.

"Omg! Pizza!" Tumakbo si Athena patungo sa pizza at dumukot.

They felt comfortable with us since then. Mas okay na 'yun kaysa sa kasali sila sa grupo namin pero ilang naman sila.

"Maybe they know." Sagot ko sa tanong ni Key at nginuso sila Bea.

"Ano 'yun?" Tanong ni Bea.

"Sino yung Alyssa?" Tanong ni Key.

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon