Kate's Pov
Kinabukasan ay maaga kami nila Kuya umalis ng bahay. Magj-jogging kami. Pagkatapos naming mag-jogging ay tumungo na kami sa 88bay dala ang sasakyan ni Kuya.
Nakita ko na sila Genre na nakapang-basketball. Ang ibang SP ay naglalaro na. Warm up, kumbaga.
"Yow!" salubong ni Kuya Gian saamin.
Nandito na rin pala sila. Hindi sila sumama saamin mag-jogging dahil kaming magkakapatid lang.
Dumiretso agad ako kung nasaan sila Hailey. Umupo ako sa tabi nila kung saan nilagay nila Kuya ang mga tubig nila at gamit.
"Nasan si Key?" tanong ni Margaux sakanila.
"Wala nga, e." sagot ni Hailey sakaniya.
Kahit naman ang tatlo wala. Hindi naman sila gaanong sumasama saamin pero pag sa SU ay kami lagi ang magkakasama.
"Pupunta ba?" tanong ni Jeremiah, hindi ko namalayang lumapit pala.
Nagkibit balikat ako. Walang nasabi si Key saamin. Hindi ko alam kung pupunta siya o ano.
Pero nasagot ang tanong ni Jeremiah ng may tumakbong babae papunta samin. It was Key.
"O, ayan na hinahanap mo," sabi ko at nginisian siya.
Napangiti si Miah at inakbayan si Key. "Cheer for me," sabi nito bago naglakad patungo kila Genre.
Ginulo ko ang buhok ni Key kaya sinamaan niya ako ng tingin. Pero tumawa na lang ako.
Nagsimula silang maglaro. Ang usapan nila ay ang matatalo, iyon ang manlilibre ng lunch namin.
Si Kuya Gian, Kuya Lance, Kuya Jacob, Kuya Clark at Ced ang first five para sa gwapitos. Ang bantot diba? Samantalang sa SP naman ay si Genre, Kenji, Justine, Wade at Gin.
"Ay taena! Bakit sa mukha ko?!" singhal ni Kuya Gian ng matamaan siya ng bola sa mukha ni Gin.
"Akala ring pre! Ang lapad kasi!" tumatawa si Kuya Lance.
Natawa din tuloy kami.
"Gago," iniling iling ni Kuya Gian ang mukha niya at nagsign ng X kay Chivas.
"Substitution!" sigaw ni Margaux.
Pinuntahan agad ni Cata ang Kuya niya. Nasa mood ata si Cata ngayon? Madalas kasi ay hinahayaan niya lang ang Kuya niya kapag natatamaan.
Nagpatuloy ang laro. Panay ang dunk ni Jeremiah habang si Genre ay panay ang lay up.
"See that? Kobe Bryant!" sigaw ni Genre at nagmayabang.
Napailing ako. Ang sarap ng ganito ang mundo. Walang problema. Nagagawa ang gusto namin. Pero sa tuwing naiisip ko na hindi ganito ang totoong mundo namin ay kumikirot ang dibdib ko.
Sa mundo namin, may limit. May limit na hinding hindi pwedeng lampasan.
Pero wala nga bang lalampas?
Nakaisang oras na sila sa laro nang may mga dumating. Naningkit ang mata ko ng napagtanto kung sino ang mga iyon.
It's Burning Mafia!
Naglakad sila papunta sa isang staff ng 88bay. Tinuro ng staff sila Kuya kaya napatingin sila JV sa direksyon namin.
"Isa na lang!" sigaw ni Hailey.
Nasa SP ang bola. Tumatakbo silang lahat ngayon papunta sa side kung nasan ang BM. Si Genre ang may hawak ng bola. Nakita kong nakita niya sila JV kaya nagpakitang gilas siya at nashoot niya iyon.
BINABASA MO ANG
And they meet again ❤
AcciónChildhood friends comes to be their best enemy. What will happen? Uunahin ba nila ang pagkakaibigan nila? O papairalin nila ang bad sides nila para lang sa kung anong meron sila? Find out. :)