Chapter 57

3.1K 123 21
                                    

Margaux's Pov

Nagpaalam si Genre na maglalakad lakad muna ulit kaming dalawa. Nasakin ang DSLR ni Kate kaya habang naglalakad ay kumukuha ulit ako ng pictures na may magandang view.

"Can I borrow it?" tanong niya.

Tumango ako at binigay sakaniya ang camera.

"May kapatid ka diba?" tanong ko sakaniya habang tinitignan ang mga bulaklak.

Tumango siya. "Yup, he's studying at Easton Univeristy."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Highschool?"

Umiling siya. "Grade six,"

"Ang layo naman ng agwat niyo?"

Tumawa siya. "Yup... Six years."

Sabagay, six years din naman ang agwat namin ni Ced. Pero may sumunod pa samin which is si Chivas na fifteen years old.

"Kaninong shots 'to? Ang ganda." puri niya habang tinitignan ang mga picture.

Dinungaw ko ang tinitignan niya. Iyon yung mga shots ni Kate sa bawat out of town namin.

"Kay Kate,"

"Ang ganda, a?" puri niyang muli. "What course is she into?"

"Multi Media Arts."

"Oh..." nagscan pa siya. "When is this?"

Tinignan ko ang tinutukoy niya at iyon ay yung nakawacky talaga kaming magkakapatid nung kasal ni Tita. And when I say wacky, wacky talaga!

Inagaw ko sakaniya ang camera pero nakasabit iyon sa leeg niya kaya nahatak ko siya palapit sakin.

"Shy, huh?" nakangisi niyang sabi.

Tinulak ko siya agad kaya narinig ko ang tawa niya.

"Bwiset!" sigaw ko at naglakad na palayo sakaniya.

Hinabol niya naman ako at hinawakan niya ang palapulsuhan ko. Tinignan ko siya at sinamaan ng tingin pero ngumuso lang siya, pinipigilan ang ngiti.

"Ang cute mo naman dun a?" sabi niya. "Pano nga ulit 'yun? Ganto ba?" ginaya niya pa ako.

Tumawa ako ng malakas ng ginaya niya ang pose ko. Nakadila ako doon at nakaduling ang mata. Ang isang shot naman ay lahat kami nakanganga na parang galit.

"See? Now you're laughing,"

"Pano ulit?" tumatawa pa din ako.

"Wait. You want me to pose like this?" tanong niya at tinuro sakin ang isa kong picture.

Nung kasal din iyon ni Tita. Nakaflower crown ako at nakalagay ang kamay ko sa ilalim ng baba ko habang nakatingin sa gilid at nakapout.

"Sige nga?" hamon ko sakaniya. "Pero teka lang!" pigil ko at kinuha muna ang camera.

Hinanda ko iyon para makuhanan siya.

"Game?" tanong niya.

Tumatawa akong tumango. Saktong pagpose niya ay ang pag-click ko sa camera.

"Oh my God!" hagalpak ako sa tawa dahil sa pose niya.

Gayang gaya niya ako! Halos maiyak na ako kakatawa ng tignan muli ang mga shots ko sakaniya. Hindi ako makapaniwalang nagpose nga siya ng ganon! Kung titignan mo siya ay parang hindi siya gangster!

"Patingin," nakangiti niyang sabi.

Pinakita ko sakaniya ang pictures niya. Hindi ko pa din mapigilang hindi matawa dahil baklang bakla siya tignan dito.

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon