Chapter 46

3.3K 102 9
                                    

Kate's Pov

Napatulala ako sa sarili ko. Ako ba talaga 'to? Bakit parang hindi naman?

It's our day. We're officially eighteen now. Hindi ko pa nakikita ang kakambal ko. Pero ang alam ko parehas kami ng gown. Ang kaniya ay violet samantalang ang akin ay black.

Naka-lace braided hairstyle ako at may korona pa. Natawa ako sa sarili ko.

This is only once in a lifetime.

Naisipan kong tawagan ang kakambal ko. Agad niya naman iyong sinagot.

[Omg, kambaaaaaaal!] Tili niya.

Inilayo ko ang cellphone ko sa tenga ko at napairap bago ngumisi.

"Excited?"

[Ofcourse! This is really it!]

Tumawa ako, "Para kang tanga. Mauna kana kaya?"

[Tse! Hindi ako makaget-over sa suot ko! Ang sexy ko here, kambal!]

Oh diba? Masyado siyang gandang ganda sa sarili niya. Hindi manlang maghintay na ibang tao magsabi sakaniya.

"I'm so proud of you. Masiyado mong suportado sarili mo. Hindi mo na kailangan ng suporta namin." Tumatawa kong sabi.

[Letche ka! Ano na?! Anong oras ba tayo bababa?] Hindi mawala ang excitement sa boses niya.

Tinignan ko ang oras. 5:40 na. Six pm ay mags-start na.

"Sige mauna kana. Ikaw na lang magisa."

[Napaka mo! Panira ka ng moment e.]

"Napaka mo din. Napakapanget!"

[Napaka ka din! Napakaboring ng buhay!]

"Tangina mo."

Narinig ko ang tawa niya. [Duh, sis! Magkaron ka naman ng gana sa buhay mo! Lagi mo atang dala buong mundo.]

"Alamat na ko kung ganun."

[Tss. Basta let's enjoy our night ha? This is gonna be fun!]

Ngumiti ako. "Yes, we will. Few minutes left..."

[I'll see you, twinny!] Aniya at pinutol na ang tawag.

Bastos eh diba? Hindi pa ko nakakasagot bigla biglang pinapatay yung tawag.

Tumayo ako at tinignan muli ang gown ko. Black is really perfect for me. Gustong gusto ko 'tong kulay na 'to.

Today, I feel I'm a princess.

Habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin ay biglang may kumatok.

"Can I come in, ate?" Narinig ko ang boses ni Chivas sa labas.

"Anong I? We! Dalawa tayo!" Rinig ko ang boses ni Ced.

Tumawa ako. Dahil sa simpleng bagay magaaway nanaman sila.

"Come in." Sabi ko at bumukas na ang pinto.

Sumalubong sakin ang dalawa kong kapatid na naka-tuxedo. Hindi sa bias ako pero ang gwapo ng mga kapatid ko. Paano pa kaya kung lumaki pa sila lalo?

"Wow. Ang ganda mo ate!" Lumapit sakin si Chivas at si Ced naman ay sinara ang pinto.

"Happy birthday, ate." Bati nilang dalawa sakin at niyakap ako. Hinalikan din nila ako sa noo ko.

"Teka..." Tinignan ako ni Chivas, napakunot tuloy ang noo ko, "Bakit parang hindi ka tumangkad?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Siraulo 'to ah? Hinampas ko nga.

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon