Chapter 31

3.7K 108 21
                                    

Wiiiiieh~ hindi halatang excited kayo sa book 3 no? ^_^ hahaha.

Key's Pov

"Keeeeeeey!" Napalingon ako sa dalawang boses na tumawag sakin.

Paglingon ko ay nakita kong nagaangasan ng tingin ang dalawa.

"Ba't nakikisabay ka?" Tanong ni Jeremiah kay Jmart.

"Ako pa talaga? Nakita mong tatawagin ko na si Key nakisigaw ka din." Sabi ni Jmart.

-_____________-

Napakaliit na bagay pinagaawayan pa.

"Mukhang may pinag aagawan yung dalawa!"

"Kyaaaah! Sino naman kaya yung girl. Swerte naman niya."

Ayan ang mga narinig ko galing sa dalawang babae.

Pinag aagawan agad? Oa ah.

Tumalikod na ko at akmang maglalakad na pero biglang may humawak sa magkabilang braso ko.

"Tignan mo! Ang epal mo talaga eh!" Sabi ni Jmart.

"Anong ako? Baka ikaw! Gaya gaya!"

Humarap ako sakanila at pumamewang ako.

"Ano magaaway na lang ba kayo diyan?!" Sigaw ko sakanila.

Napabitaw naman sila sa braso ko at nagkatinginan ulit.

"Si Key! Swerte naman!"

Hindi ko pinansin yung mga naririnig ko.

"Ah.. Eh.. Kasi.." Jmart.

"Ano.. Kasi e.." Jeremiah.

"Ano kasi? Ano? Baliw ba kayo?"

"Yung sa sayaw!" Sabay nilang sabi.

Magtitinginan nanaman sana sila ng masama pero agad akong nagsalita.

"Oh oh! Kutsilyo ba kailangan niyo?" Tanong ko sakanila kaya agad silang nagiwas ng tingin.

Napaisip naman ako sa sinabi nila. Hays, oo nga pala yung sayaw. Kung minamalas ka nga naman itong dalawa pa ang naging kagrupo ko.

"Yung sayaw tutal isang linggo na lang yung time na binigay satin dahil kalahati ng kanta lang naman muna. Pwede na tayo mag-practice bukas." Sabi ko.

"Osige! Bukas agad!" Sangayon ni Jeremiah.

"Sunduin kita." Sabi ni Jmart.

Tumango na lang ako at nakita ko naman kung pano sumimangot si Jeremiah. Problema nito?

"Sige na. Babye!" Sabi ko at umalis na dun.

Maguumpisa na kami ng practice bukas para sa sayaw sa club. Ano kayang maganda?

Habang nagiisip ako nahagip ng paningin ko si Justine na may kausap na babae sa eskinita na pang mga locker lang.

Naningkit ang mata ko at nakita kong yung heiress 'yun na kapatid niya.

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Kate kahapon pagkatapos ng training.

"I swear I saw them! Nakatingin sila satin!" Pag gigiit ni Kate.

Nandito kami ngayon sa dorm kasama sila Bea. Kakatapos lang kasi ng training namin kaya pagod na pagod kami.

"Bihira lang lumabas ang mga heirs. Nakikita lang sila dito sa SU kapag may importante silang gagawin dito. Besides, kilala sila ng mga faculty kaya wala silang maiisip na may iba pang dahilan kung bakit pumupunta sila dito." Explain ni Tricia.

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon