Chapter 17

4.1K 110 14
                                    

Sa chapter 16, mali po ng type 'yun. Hindi 'yun 'Black Mafia' its 'Burning Mafia.' I'll edit it.

Key's Pov

Nagising ako dahil sa malakas na tugtog. Minulat ko ang aking beautiful eyes at nakita ko sa orasan na ten am na pala.

Naginat inat pa ako. Dinadama ang lambot ng aking kama. Pumikit pa ako at yinakap ang malamig kong unan.

Hanggang sa biglang may dumato saakin ng throw pillow at nasira ang pagdadama ko.

"Hoy! Anong kabaliwan nanaman 'yang ginagawa mo?" Tumatawa na tanong saakin ng isang witch.

Tinignan ko siya ng masama. "You witch! Epal!" Binato ko pabalik kay Hailey ang throw pillow na binato niya saakin kanina.

"Para ka kasing tanga. Pa slow motion slow motion ka pang nalalaman." Sabi niya at tumawa.

"Wala kang pakealam!" Inirapan ko siya at tumayo na ako bago kunin ang tuwalya ko at pumasok sa CR ko.

Thursday pala ngayon. Wala kaming pasok na lima. Ano kayang balak ng mga 'to?

"We don't talk anymore! We don't talk anymore! We don't talk anymore like we used to be!" Kanta ni Hailey pagkalabas ko. Sinasabayan niya ang tugtog.

"Utang na loob, Bartolome!" Sigaw ni Catastrophe at tinakpan ang tenga niya.

Lumapit ako sakaniya at pabirong pinulupot ang tuwalya ko sa bunganga niya.

"Asdfghjkl!" Sigaw niya na hindi maintindihan kaya tinanggal ko na ang pagtakip sa bibig niya.

"Pumapangit yung kanta dahil sayo." Asar ko sakaniya at sinabit ang tuwalya ko.

Binuksan ko ang mini fridge. Walang makakain. Hindi pa ako nagb-breakfast.

"Kumain na kayo?" Tanong ko sakailang dalawa.

Tumango si Cata.

"Oo. Sa tingin mo hihintayin ka pa naming magising? Aba sinu-swerte ka." sabat nito ni payat.

"Blah blah whatever, Wade!" Tawa ko at tinignan ang pisngi niyang pumula. "Uyy! Kinikilig!" Tumawa ako lalo kaya sinamaan niya ko ng tingin.

"Lumayas kana nga! Shoo! Shoo! Kumain kana sa baba! Shoo!" Taboy niya sakin at tinulak tulak pa ko.

"Aray punyemas!" Sigaw ko dahil nabangga ang noo ko sa pintuan kakatulak niya sakin.

Narinig ko ang tawa nilang dalawa. Sinamaan ko ng tingin si Hailey at tinuro siya.

"You'll pay for this!" Sabi ko sakaniya bago lumabas.

Hinihimas ko pa ang noo ko pagkalabas ko. Naka t shirt at short lang ako. May tao din sa living room dito. Sa bawat floor kasi may living room din.

May mga babaeng nakatambay sa living room, may mga papasok naman yung iba kakagising lang din.

"Goodmorning, Key!" Bati sakin ng mga kadorm ko.

Ngumiti ako sakanila. "Goodmorning din!" Bati ko sakanila bago bumaba ng tuluyan para makapunta sa kitchen.

May mga nakatambay din sa living room dito. Medyo maingay pero ayos lang. Halos mababait naman sila. Pagpasok ko sa kusina nakita ko si Bea na nagluluto at ang ibang babae na nagtatawanan habang nakaupo sa table.

"Goodmorning!" Bati ko sakanilang lahat.

Napatingin naman sila sakin at ngumiti. Binati din nila ako at lumingon naman sakin saglit si Bea.

"Uy, Key! Goodmorning. Kakagising mo lang?" Tanong niya saakin bago pagpatuloy ang niluluto niya.

"Oo eh. Ano 'yang niluluto mo?" Tanong ko din sakaniya at linapitan siya.

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon