Chapter 7

4.1K 123 3
                                    

Key's Pov

"Anak ng!" Maktol ko ng suminag ang araw sa mukha ko.

Napatingin ako sa bintana at nakita ko doon si Margaux.

"Hoy!" Sigaw ko sakaniya.

"Oh? Maghilamos ka nga. Kadiri ka. Panis pa oh!"

Napahawak naman ako sa pisngi ko. Wala naman ah?

"Letche!" Sigaw ko sakaniya at binato ang throw pillow.

Nagising naman ang dalawa. Si Hailey at Cata, si Kate? Tulog mantika sa tabi ko.

"Ano-- Hoy! Margaux!" Oh diba? Pare parehas kami ng expression ng makita si Margaux.

"Ano bang problema niyo?" Tanong niya at umupo sa study table ni Cata.

"Ikaw! Nagmukha kaming panda kakahintay sayo kagabi pero hindi ka bumalik! Ano nangyari sayo? Okay ka lang ba?" Tanong ni Hailey sakaniya at lumapit siya kay Margaux para tignan kung okay lang.

"Oo. Okay lang ako." Sabi ni Margaux.

"Saan ka natulog kagabi?" Tanong ni Cata sakaniya.

"H-ha? Sa ano. Sa kwarto nila Bea!"

Nanliit ang mata ko ng sinabi niya 'yun. Sa kwarto nila Bea?

"Sure ka?" Tanong ko sakaniya.

"Oo!" Sagot niya.

Nagkibit balikat na lang ako at tumayo.

"Dapat tulog pa ko eh! Tss." Inis kong sabi at pumasok sa CR para gawin ang daily routine ko.

Lumabas na ako pagkatapos kong gawin ang dapat gawin. Tulog pa din si Kate.

"Breakfast?" Tanong ni Hailey.

"Goodmorning!" Napatingin kami sa pinto ng connecting room. Nakita namin doon yung tatlo.

"Goodmorning. Sainyo natulog si Marg kagabi?" Tanong ni Cata.

"Oo." Sagot ni Athena.

Tumango na lang si Cata. Akala ko kung saan natulog 'tong si Margaux e. Naku!

"San ka natulog kagabi?"

Gising na pala si Kate. Tinanong niya agad yung kambal niya.

"Kila Bea. Sa kabilang room. Ano ba kayo. Walang nangyaring masama sakin promise."

"Nakapasok ka?" Tanong ni Hailey.

"Hindi. May epal e. Tara na nga!" Parang nairita siya bigla at naunang lumabas.

"Saan siya dapat papasok?" Usisa ni Tricia.

"Sa abandonadong building." Deretsong sagot ni Cata na parang wala lang sakaniya.

Nakita ko namang nagulat yung tatlo.

"'Wag kayo magalala, hindi naman nagtagumpay si Marg." Tawa ko sakanila.

"Pero delikado--"

"Baba na tayo." Pinutol siya ni Kate. Hindi namin namalayan na tapos na pala 'tong maghilamos.

Bumaba na kami at nadatnan namin ang ibang dormmates namin dun. Hinanap namin si Margaux at nakita namin siya sa loob ng kusina.

"Takas girl!" Tawag ko sakaniya kaya inirapan niya ko.

Nilapag niya ang bacon at ham. Kami na lang ata ang kakain dahil yung iba may pasok, yung iba naman tulog pa siguro o kaya yung iba nauna na.

"Ano nangyari sa laban kagabi?" Usisa ulit ni Hailey.

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon