Chapter 59

3.4K 104 18
                                    

Catastrophe's Pov

Hindi matanggal ang kaba ko hangga't wala pa akong natatanggap na text mula kay Kenji. Wala akong balita kung ano ng nangyari sakanila.

"Hindi ba nagtext sainyo sila Justine?" tanong ni Key saamin.

Gaya ko, kinakabahan din sila. Hindi pa nga kami makabalik sa mga kwarto namin. Nandito kami ngayon sa kainan. Ayoko munang bumalik dahil sigurado akong magtatanong si Kuya.

"Hindi, e." sagot ni Kate.

Pasulyap sulyap ako saaking cellphone. Magd-dalawang oras na simula ng umalis sila. Alas singko y medya sila umalis at alas syete na ngayon.

Kinagat ko ang labi ko habang tinitignan ang numero ni Kenji. Gustong gusto ko siyang tawagan pero natatakot ako na baka iba ang sumagot kaya nag-text na lang akong muli sa pagilang beses na.

Ako:

Kenji ano? Ayos lang ba kayo diyan? We're sick worried here!

Ako:

Can you fucking reply once you read this?!

Ipaparamdam ko talaga sakaniya na nagagalit at naiinis na ako. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nararamdaman patungo sakaniya. Pero naiinis din ako sa sarili ko dahil masyado akong concern sakaniya.

"That's the last text?" tanong ni Margaux kay Hailey.

Tumango si Hailey. "Wala nang kasunod,"

Halos sabunutan ko ang sarili ko sa inis na nararamdaman. Sa oras talaga na makita ko 'tong si Kenji sasabunutan ko 'to!

Tumunog ang cellphone ko. Imbes na mawala ang inis na nararamdaman ay nainis pa ako lalo nang makitang hindi siya iyon.

"What?" singhal ko kay Kuya ng sagutin ko iyon.

[Kelan mo ba sasagutin cellphone mo ng Hello Kuya! Ang bungad? Kawawa ako sayo e!]

Umirap na lang ako. "Ba't kaba tumawag?"

[Kakain na tayo ng dinner. Asan na ba kayo?]

"Nandito na kami. Hihintayin na lang namin kayo." masungit kong sabi.

[Huhu, maging malambing ka naman kapatid!]

Napa-tss na lang ako at pinatay na ang tawag.

Nagpakawala na ko ng isang mura para kahit papaano ay mabawasan ang inis na nararamdaman ko. Dumating na sila Kuya at agad siyang tumabi saakin.

"Bakit ba highblood ka?" tanong niya sakin ng tabihan niya ako. "Ah! Alam ko na. Kasi wala sila Kenji?" alam niya? "Babalik din 'yun,"

Alam niya! At paano nila nalaman?

"How did you know?" tanong ko sakanya habang magkasalubong ang kilay ko.

"Nagtext sila samin. Kasama nila iyong kapatid ni Justine diba? Julianne Esmael."

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi ni Kuya. He knows! Kilala niya kung sino iyong kapatid ni Justine. Halos tumriple ang kaba na nararamdaman ko.

What if alam na pala nila Kuya? Pero hindi. Kung alam na nila ay sigurado akong pagkaalam na pagkaalam pa lang nila ay magagalit na sila saamin pero bakit ngayon hindi? Siguro kasi hindi nila alam.

"Ano oras nagtext?" tanong ko ng marinig ang sinabi niyang nagtext ang SP sakanila.

Tinignan niya ang relo niya. "I think two hours ago?"

Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay nagtext sila kila Kuya pagkarating nila doon.

Maingay na kumain ang mga lalake. Para bang walang katapusan ang pinaguusapan nila. Minsan tungkol sa mga negosyo, minsan naman ay tungkol sa mga naging girlfriend pero madalas ay tungkol sa basketball.

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon