Chapter 6

3.8K 120 0
                                    

Hinila niya ako papunta sa gilid. Kumalabog agad yung dibdib ko. Hindi ako makatingin sakaniya dahil sa kaba na nararamdaman ko. Oh geez! Ngayon lang ulit ako kinabahan ng ganto!

"Bakit nandito ka? Diba pinagbawalan ko na kayo na pumunta dito?" Malamig ang boses niya kaya lalo akong kinabahan.

"Napadaan lang ako dito." Sinubukan kong 'wag haluan ng kaba ang boses ko pero hindi ako nagtagumpay.

"Napadaan? Sa lawak ng Statton, dito ka pa talaga mapapadpad?"

Umirap ako sakaniya. "Alam mo kung ano yung nakakainis? 'Yun yung may magtatanong sayo tapos hindi naman naniniwala."

Narinig ko ang tawa niya kaya napatingin ako sakaniya. Kahit madilim dito, sa sobrang lapit niya sakin naaninag ko yung mukha niya.

I felt speechless. Ang gwapo niya kapag tumatawa. Sa sobrang seryoso kasi ng mukha niya, hindi mo aakalain na mas g-gwapo siya lalo kapag tumatawa siya.

"Go back to your dorm." Nawala na ang tawa sa mukha niya. Naging seryoso na ulit siya.

"Bakit ba? Gusto ko lang naman makapasok diyan e."

"Delikado. At wala pang tiwala sayo ang mga heirs. Sainyo ng mga kaibigan mo. At sa iba pang transferee."

"Pakealam ko kung wala silang tiwala sakin?"

"Do you hear yourself? Kung delikado diyan sa loob, mas delikado kung masabihan mo ng ganiyan ang mga heirs."

Heirs. Base sa mga sinabi samin nila Athena, parang sila yunh pinaka-kinakatakutan dito.

Naramdaman ko ang paghinga niya. "Can you move backward a little bit? Masiyado kang malapit." Sabi ko at tinulak siya ng bahagya.

Pero agad siyang dumikit muli sakin kaya sisigaw na sana ako kaso narinig ko yung tatlong babae na papalapit. Halos kapusin ako ng hininga dahil sa pagdikit ng uno na 'to sakin.

Nakalagay ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ko habang yung mukha niya ay nasa gilid ko din.

"Don't speak." Sabi niya.

Hindi ako gumalaw. Kahit siya. Dahil kapag gumalaw kami alam naming maririnig agad 'yun ng tatlong babae.

"Wala namang transferee na nasa labas. Pwede na siguro tayong pumasok?" Sabi nung isa sa mga babae.

"Tara."

Nang makapasok na sila ay tinulak ko na agad 'tong lalaking 'to. Bahagya siyang natapatan ng ilaw kaya nakita ko ang mukha niya.

Seryoso ang mukha niya. Ang undercut niyang buhok ay halatang nakawax.

"Uy ano 'yun?" Tanong ko at tinuro pa ang likuran niya.

Pagkalingon niya ay tumakbo agad ako papunta sa pintuan papasok sa abandonang building kaso nahigit niya agad ako.

"I know those moves. Laos na 'yan," Sabi niya at kinarga agad ako na parang sako lang.

"Ano ba! Ibaba mo ko!" Sigaw ko.

Nagsimula na siyang maglakad. Teka, diba laban nila?

"Hoy! San mo ba ko dadalhin?" Sigaw ko ulit sakaniya.

"Just shut up. Ang tigas talaga ng ulo mo e no?"

"Diba may laban pa kayo sa loob? Pumasok kana dun!"

"Para makapasok ka din? No way. Kaya na nila Dos 'yun."

Tumigil na ko sa paghampas sa likuran niya at hinayaan na lang siya. Parang bumibigat tuloy yung ulo ko.

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon