Epilogue

5.1K 118 13
                                    

Key's Pov

Hindi kami mapakali nang bumyahe kami patungo sa Loboc. Inaabangan ko ang text ni Jeremiah saakin sa buong byahe pero natapos na ata kami sa Adventure Park wala pa rin siyang text.

Tumagal kami doon. Hindi ko namalayan na natapos na din kami sa Loboc Man Made Forest at wala pa rin silang text. Halos apat na oras na ang lumipas.

"Wala pa din..." malungkot kong sabi habang nakatingin sa cellphone ko.

Patungo na kami ngayon sa Loboc Resort. Doon kami magpapalipas ng gabi bago tumulak patungo sa Mag Aso Falls bukas.

"Do you think they faced the consequence?" kabadong tanong ni Hailey.

Tinignan ko si Hailey. I know her too well. Alam kong mahal niya na si Wade. Sino ba namang hindi mapapamahal sakaniya diba? He's childish sometimes but he makes sure na in that way, napaparamdam niya na mahal niya si Hailey.

"I don't know. I'm clueless," sagot ni Cata.

Tinignan ko ang kambal. Seryosong nakatingin si Margaux sa labas habang si Kate ay nakatingin sa cellphone niya. Ang mga kapatid namin ay nasa harapan namin na maingay na nagk-kwentuhan.

"Bakit parang seryoso ang pinag uusapan niyo diyan?" tanong ni Kuya Gian ng nilingon niya kami.

"It's none of your business, Kuya." malamig na sabi ni Cata sakaniya.

"Why can't you be sweet, Catastrophe?"

Gusto kong matawa sa reaksyon ni Kuya Gian pero hindi ko magawa dahil napadungaw nanaman ako sa cellphone ko. Nakakailang text na ako kay Jeremiah pero wala pa din siyang reply.

Pagkadating namin sa Resort ay agad kaming tumungo sa kwarto namin. Magkakasama kaming mga babae at hiwalay samin sila Kuya.

"Doon ka sa kwarto nila Mommy!" taboy ko sa kapatid ko.

"Whatever, ate." inirapan pa ako ng kapatid ko pero tumungo siya sa isang kama at humiga doon.

So childish. Hindi mo aakalaing High School student na.

Nagtipa ako ng isesend ko kay Jeremiah. Hindi ako titigil hangga't hindi siya nagrereply.

Ako:

Five hours already and still you're not texting. What the heck is happening there, Jeremiah?!

Pagkasend ko nun ay naghintay ako ng ilang minuto para magreply siya. Nang lumipas ang halos twenty minutes at wala pa din ay tinawagan ko na siya.

"Crap!" mura ko nang marinig na nakapatay ang cellphone ni Jeremiah.

Kung nakita kami ng Phoenix, at sinabi nila iyon sa heirs, ang kaso walang patunay, paano nila mapaparusahan ang SP?

"I'll go," sabi ko at dali daling kinuha ang wallet at cellphone ko. I'm good at this. Hindi ko na kailangang magayos.

"Where are you going?" nagtatakang tanong ni Hailey.

"Pupunta ako sa resort kung nasan ang heirs. Bahala na kung madamay. Hindi ko kayang isipin na sila hinaharap ang parusa pero tayo nandito. We know SP's gonna do everything just for us not to be involved there. But I can't!" singhal ko at tumungo sa pinto.

"Key! Wait!" pinigilan ako ni Margaux.

"What, Margaux? Kung ayaw niyo ay ako na lang! Haharap ako sa heirs! Hindi kaya ng konsensya ko na sila lang ang nandoon!"

"No! Sasama kami sayo!" ikinagulat ko ang sinabi niya.

"Margaux!" gulat na sabi ni Cata ng marinig ang sinabi ni Margaux.

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon