Key's Pov
Naghubad sila ng mga polo nila. Tinignan naman namin sila. Seriously? Tuturuan nila kami ng nakaganto kami? Uniform like Korean ang amin.
"Paano niyo kami matuturuan eh nakauniform kami?" Tanong ko sakanila.
Nagtinginan sila at nagtawanan bago nila sinapok si JV.
"Bobo!" Asar nila kay JV.
Nagkamot ng ulo si JV. "Oo nga pala. Tara? Hatid namin kayo sa dorm niyo tas magpalit kayo." Sabi ni JV.
Natawa na lang kami nila Cata bago nila kami ihatid sa dorm. Umakyat din sila sa dorm nila para daw ilagay ang bag nila. Nagpalit na din ako.
Paglabas namin ay nakita din agad namin sila. Sila lang naman kasi yung nilalapitan na ngayon ng mga babae. Nagpalit na din pala sila ng damit nila.
"Sorry, nandito na pala sila. Talk to you next time." Ngumiti si JB sa babae at nilapitan na kami.
"Tara." Sabi ni JV at inakbayan si Margaux. "'Wag na pala tayo sa field."
Nagtinginan na lang kami nila Hailey at tinignan ulit si Margaux. Hinatak na din ako ni Jmart kaya naglakad na kaming lahat patungo sa parking lot.
"Hoy saan ba tayo?" Tanong ni Hailey sakanila.
Dalawang kotse ang gagamitin. Kay Cata at kay Nicholo. Nandito pa kami ngayon sa labas ng sasakyan.
"Basta. Sundan niyo kami." Sabi ni Kian.
Tumango na lang si Cata at sumakay na sa driver's seat. Pumasok na din kami sa loob.
"Ano nanamang pakana nitong mga 'to." Nakatingin ako sa sasakyan ni Nicholo na ngayon ay umandar na.
Hindi naging matagal ang byahe. Mga twenty minutes lang siguro at huminto na kami sa isang building.
Bumaba kami at tinignan agad sila Nicholo.
"Ano meron dito?" Tanong ni Kate sakanila.
"Dito kami nagt-training." Sagot sakaniya ni JB.
Umakyat na kaming lahat. Pumasok kami sa isang pinto. Sumalubong sakin ang mga lalaking nagt-train ng boxing.
May lumapit samin na babae na nakasports bra at cycling lang.
"Hi, Burning Mafia!" Nakangiting sabi ng babae at nilagay ang buhok niya sa likod ng tenga niya.
Tinignan ko siyang mabuti. May pagkalaki ang dibdib niya.
"We want this place to be ours just for this day." Sabi ni Jmart.
"Konti lang naman ang nagt-training kaya pakisabi na bukas na lang sila. Tutal mukhang kanina pa din sila." Sabi ni Nicholo.
Tumango ang babae at kumindat sakanila bago lumapit sa mga nagt-train.
Napairap ako. Kailangan pa bang kumindat?
Hindi din nagtagal ay nagsialisan na ang mga nagt-train. Nilahad ni Jmart ang kamau niya saakin at naglakad kami patungo sa isang ring.
"Nagbago isip ni JV. Mas maganda naman talaga na dito namin kayo turuan kasi may mga gamit dito. Next time sa field na tayo kapag marunong na talaga kayo." Sabi niya.
Pinigilan ko ang pagngisi ko. Kung alam niyo lang..
Tinali ko ang buhok ko at siya naman ay hinubad ang shirt niya.
Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Bakit nangbibigla ka, Jmart Pajarillo?!
"Sorry," Bakas sa boses niya ang pagngisi.
![](https://img.wattpad.com/cover/52191692-288-k606571.jpg)
BINABASA MO ANG
And they meet again ❤
AçãoChildhood friends comes to be their best enemy. What will happen? Uunahin ba nila ang pagkakaibigan nila? O papairalin nila ang bad sides nila para lang sa kung anong meron sila? Find out. :)