Chapter 54

3.2K 98 2
                                    

Catastrophe's Pov

Grabe! Halos malaglag ang panga ko sa sagot ni Wade kay Kuya Lance. He have the guts!

"Woah... Easy there, bro." nakaakbay si Kuya Jacob kay Hailey. "Kikilalanin ka muna namin ng maigi,"

Ngumisi si Wade. "Alright,"

Gustong gusto kong asarin si Hailey kaso naisip ko ang heirs. Baka nasa paligid lang ang mga spy nila o kaya sila.

Pinagusapan nila ang tungkol sa basketball game nila.

"Then it's settled. Tomorrow 1pm sa 88bay." sabi ni Kuya.

Tumango ang SP.

"We'll see you there," sabi ni Jeremiah.

"Alis na kami. May pupuntahan pa kami e," paalam ni Justine.

Tinignan ko si Genre. Nakita kong nakatingin siya kay Margaux. Ano bang nangyari sa paguusap nila? Bakit parang hindi naging maayos?

Ayokong magisip muna masyado ngayon. Gusto kong i-enjoy ang sembreak ko. Gusto kong kalimutan muna ang problema. I literally want a break on sembreak.

Nagpaalam sila Kuya sakanila. Paulit ulit pang pinaalala ni Ced ang tungkol sa magiging laro nila bukas. Palibhasa gustong gustong naglalaro ng basketball.

"Hey sunget!" tawag sakin ni Kenji habang patalikod na naglalakad.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Text me!" sigaw niya.

Inirapan ko siya. Nakita kong nakangiti naman sakin ngayon sila Hailey habang si Kuya ay nakataas ang kilay sakin.

"Your suitor?" tanong niya sakin.

Umiling agad ako.

"Tinatanggi niya lang, Kuya Gian!" tumatawang sabi ni Key.

"Shut up, Key!"

"Dadaan muna siya sakin," sabi ni Kuya at tinaas ang kamay niya. Pinapakita ang muscles.

Umirap ulit ako. Ang yabang! Akala mo naman napakalaki ng katawan!

"Tara na nga!" sabi ko at pumasok sa kotse ni Kuya.

Ipapakuha niya na lang daw ang kotse ko e. Binaba ko ang bintana at tinignan sila.

"Ano? Magkikita kita pa tayo bukas!" bagot kong sabi.

"Excited ka naman umuwi, Ate Cata!" tumatawang sabi ni Chivas.

Bumelat lang ako sakaniya. Nagpaalam na sila Kuya sa isa't isa. Tinitignan ko ng masama ang mga babaeng dumadaan na tumitingin kila Kuya. Subukan nilang ibuking kami magpapahinga sila habang buhay!

Sumakay na din si Kuya. Nagpaalam na ko kila Bea. Oo, nandyan pa ang tatlo masyado lang tahimik.

Pinaharurot na ni Kuya ang sasakyan niya at nakalabas na kami ng SU. Kahit dalawang linggo lang, at least malayo muna sa totoong mundo. Malayo muna sa battle. Sa reyalidad. Dalawang linggo lang...

"That's Kenji Anonuevo, right?" tanong niya ng makalayo na kami sa SU.

"Yup, pano mo nakilala?"

"Napapanood ko siya sa ibang teleserye. May kapatid siya diba? Artista din? Pero sa EU nagaaral."

Tumango ako. Mukhang madaming alam si Kuya tungkol kay Kenji. Alam niya din kaya na kasama 'to sa gang? Hindi. Halata namang hindi. Kasi kung alam niya, pinalayo niya na sana ako.

"May nal-link din sakaniya diba? Si Leiandra?"

Hindi ako nakasagot agad sa sinabi na 'yun ni Kuya. Wala na akong naririnig na balita tungkol kay Leiandra at Kenji. Hindi ko na din nakikita na magkasama silang dalawa.

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon