Chapter 13

4.4K 103 7
                                    

Key's Pov

"Hoy bruha! Chika!" Salubong namin agad kay Cata pagkapasok niya sa kwarto namin.

Tinignan niya kami ng blanko. Pero halatang sinusubukan niya lang umiwas sa topic na 'yun. At halata din na masaya siya.

"Nothing to say. Boring." Sabi niya at umupo sa sofa niya.

Binato naman siya ni Hailey ng suklay. "'Wag kami, Catastrophe Swift ha! Kilalang kilala ka na namin. Alam na namin lahat tungkol sayo. Kaya 'wag mo kaming niloloko dahil halatang ang saya mo."

Tumawa si Cata. Oh em gee! Tumawa ba talaga siya? Nang dahil sa lalake?

"Cata! You laughed because of that chinito guy!" Sabi ko sakaniya at niyugyog siya.

"Ano ba! Para namang siraulo." Tumatawa pa din siya.

"Kung magkwento kana kasi!" Pagpipilit namin ni Hailey sakaniya.

May kumatok sa connecting room at bumukas naman agad 'yun. Pumasok si Athena at Bea.

"Hey, asan si Tricia?" Tanong ko sakanila.

"May klase pa e. Patambay muna kami." Sabi ni Athena at umupo sa sofa ni Key.

Pagupo nila ay bumaling na agad ako kay Cata na may makahulugang tingin. Tinignan niya din ako na para bang sinasabi niya na ano ba?

I laughed. "Kwento na kasi." Pagiintriga ko sakaniya.

"Okay fine! Alam kong wala akong kawala. Pero asan ba muna sila kambal?"

"Umuwi. Sinundo ni Claaaaark." Sabi ni Hailey at binelatan pa siya.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Cata. "Ba't hindi niyo ko tinawagan? Edi sana nakita ko pa si Clark!"

"Hoy fyi babae tinawagan ka namin ilang beses pa nga! Kaso 'di mo sinagot. Mukhang nagenjoy ka sa date niyo ni chinito." Tawa ko at tinusok ang tagiliran niya.

"Hindi na ko magk-kwento." Sabi niya at nagcross arms.

"Joke lang. Dali na! Pabebe!" Pagpilit namin sakaniya.

So ayun. Nagkwento siya. Halos magkasakitan na kami ni Hailey dito sa kakahampas dahil sa kilig.

"Bagay sayo kapag tumatawa ka. Always smile, sunget. Maybe one day I'll fall inlove with you." Pang-gagaya ko sa boses ni Kenji at hinampas ulit si Hailey.

"Tara, hatid na kita sa dorm niyo." Gaya din ni Hailey at hinampas naman ako.

Hinampas ko din naman siya. Juskoooo! Hindi na ko makahinga sa kilig!

"Ang swerte mo!" Sabi ni Bea kay Cata at niyugyog siya.

"Gosh! Sana ako na lang ikaw!" Sabi naman ni Athena.

Tinignan siya ni Bea. "Bakit ang hilig mong mapunta sa sitwasyon ng iba? Para san? Para makaiwas ka sa sakit na nararamdaman mo ngayon? Balang araw makakalimot ka din." Hugot bigla ni Bea.

Natahimik kami. Lahat kami napatingin kay Bea na seryoso ang mukha.

Hinampas naman siya sa mukha ni Athena. As in sakto sa mukha niya kaya napabounce back siya.

"Mukha kang hugot eh! Puro kana lang hugot nakakairita."

"Alam ko naman na balang araw mapapagod din kayo sakin."

"Ang seryoso kasi ng usapan tapos huhugot ka." Irap sakaniya ni Athena.

Pero ako, tinignan ko ulit si Cata at nginitian na may something.

"KenTophe." I mouthed to her that made her cheeks turn into red.

**

Kinabukasan ay wala akong pumasok. Pagkagising ko ay agad nagring ang cellphone ko.

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon