Chapter 56

3.4K 107 13
                                    

Key's Pov

Pagkatapos ng isa't kalahating oras na nasa private plane ng SP ay nakarating na din kami sa Bohol.

"Lalapag na po tayo kaya magsiupo na kayo," sabi ni Jeremiah.

"Eto na..." sabi ni Kenji.

"Eeeeeeeeeeeng! Dug dug dug! Wiiiiiiiih!" natawa ako sa boses ni Wade.

"Boogsh!" sabi pa ng dalawa.

Nagtawanan kami. Parang mga bata! Ilang sandali din ang lumipas ay tumigil na ang private plane nila kaya tumayo na kami.

"Ako na magbubuhat ng gamit ni Key!" sigaw ni Jeremiah pagkalabas.

"Grabe sakit ng paa ko," sabi ni Kenji paglabas.

Anim na oras kasi silang nakaupo doon at sila ang nagpapalipad ng eroplano.

"Ayan ha! May pagbuhat pa ha!" asar ni Kuya Gian.

Umirap na lang ako at lumabas na. Halos malaglag ang panga ko sa nakita ko.

"Welcome to Panglao Island, Bohol!" sabi ng SP, pwera kay Genre.

"Wooh! I feel vaca!" excited na sigaw ni Kuya Lance.

Sinuot ko ang shades ko at naramdaman kong may sumasabay sakin maglakad. Nilingon ko si Jeremiah na nakashades din.

"Saan tayo tutuloy?" tanong ko sakaniya.

"Sa South Palms. Pero marami pang resorts dito. Lahat maganda, but we think you'll like more South Palms," sabi niya.

Tumango ako. Para tuloy akong naexcite sa resort na tutuluyan namin.

Sinundo kami ng dalawang super grandia. Ang SP ay doon sa isa at kami ay sa isa.

"Yung gamit ko," sabi ko kay Miah, kinukuha ang gamit ko.

Inilayo niya iyon. "Ako na magdadala. Iisag resort lang din naman tayo,"

"'Wag--"

"Okay lang." nilabas niya pa ang dila niya bago siya naglakad patungo sa sasakyan nila.

Naglakad na ako patungo kila Margaux. Nakasandal ito sa sasakyan at halatang inaantok pa. Pinitik siya ni Kuya Clark sa noo niya kaya napadilat siya.

"Ano?" irita nitong tanong.

"Mamaya kana matulog. Sumandal kana lang sa balikat ko mamaya,"

"South Palms Resort, sundan mo lang kami." sabi ni Genre sa driver.

Tumango ang driver at sumakay na. Sumakay na din kami.

Sa byahe ay ang mga lalake lang ang maingay. Pinaguusapan ang gagawin mamaya. At inaasar nila ngayon si Kuya Gian dahil kakagaling lang pala sa break up.

"Oh! Baka makita ka namin mamaya Gian nagpapalunod na?" tumatawang sabi ni Kuya Jacob.

"Siraulo! 'Di ako ganun!"

"Sus! 'Wag ka magalala, 'di ka pa din naman namin iaahon." nagtawanan ang mga lalake sa sinabi ni Kuya Clark kaya natawa din kami.

"Tarantado ka Clark! Ikaw ilulunod ko."

Ilang minuto lang pala ang naging byahe dahil nakarating din kami maya maya. Ang SP ang kumausap sa front desk.

"Enjoy your stay, Mam and Sir!" sabi ng staff.

Malikot ang mata ko pagpasok namin sa loob. Ang ganda! Sobrang laki ng resort na ito! Bukod sa may sarili silang beach, may malaking pool pa sila.

"Fortalejo's, room 530. Swift's, room 531. Bartolome's, 532. Key, ikaw na bahala kung saang room mo gusto. Hindi kana namin kinuhanan ng sarili." sabi ni Justine at inabot ang mga susi.

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon