Chapter 18

3.9K 95 11
                                    

Kate's Pov

Friday. Kasalukuyan kaming nandito sa loob ng sasakyan ni Manong. 9am na at parehas kami ng first class ni Margaux. Hindi namin kasabay si Chivas at Ced dahil 8am ang klase nila. Si Kuya naman ay mamayang 11 pa.

"Bye, Manong! Ingat po." Paalam namin ni Margaux kay Manong pagkababa namin ng sasakyan.

Pumasok na kami sa loob. Pumunta kami sa shed at hinintay ang shuttle.

"Hi, twins!" Napatingin kami sa gilid. Nakita namin si JV at JB. Hindi namin sila katabi pero nandito din sila sa shed.

Napatingin saamin ang ibang babae na nandito din sa shed. Halatang nagtataka sila.

Tumango lang kami ni Kate sakanila at sakto naman na dumating ang shuttle bus. Sumakay na kami at nagulat kami ng sa harap namin umupo ang dalawa.

"Saan first class niyo?" Tanong ni JB saamin.

"Building B ako. Si Margaux sa D." Sagot ko.

"Ohh, sayang. Building C kami eh." Sabi ni JV.

Hindi na lang kami kumibo ni Margaux. Wala namang nagtanong e.

Pagkadating namin sa building B, humalik na sa pisngi ko si Margaux saka kumaway. "Bye!" Paalam niya at sinuksok ulit ang earphone nya sa tenga niya.

"Aww, sweet." Rinig ko pang sabi ng dalawa sa harap niya kaya napairap na lang ako.

Umakyat na ako sa klase ko at nakita ko doon si Justine malapit sa upuan ko. Nakabukas ang polo niya pati ng mga kasama niya at nakablack shirt sila sa loob.

Umupo na lang ako sa pwesto ko. Isang upuan naman ang pagitan namin at buti na lang pumasok si Tricia. No choice.

"Tricia!" Tawag ko sakaniya.

Lumingon siya sakin at kumaway. Tinuro ko ang upuan sa tabi ko. Her eyes widened when she saw Justine. Her cheeks turned red, too.

Nakita ko lang nilagay niya ang buhok niya sa likod ng tenga niya at naglakad palapit samin. Nagk-kwentuhan si Justine pati ang dalawa niya pang kasama kaya hindi nila napansin ang paglapit ni Tricia.

Umupo siya sa tabi ko ng dahan dahan. Tinignan ko naman siya. Ang weird ng galaw niya. Akala mo robot. Tumingin siya sakin at kinagat ang labi niya saka sinulyapan si Justine sa likod niya.

"Sheeeeet." Sabi niya ng nakaharap sakin kaya hindi ko maiwasang hindi matawa.

Napansin ko ang tingin ng ibang babae samin. Tinaasan ko sila ng kilay at nagiwas naman sila ng tingin. Mabuti naman at pumasok na din ang Prof namin at nagdiscuss na.

Pero hindi ako makapagconcentrate dahil maya't maya ako kinakalabit ni Tricia.

"Oh gosh. I can't take this anymore." Sabi niya at pinatong ang siko niya sa desk niya. Natamaan niya ang ballpen niya kaya nalaglag ito.

Akmang pupulitin niya na 'yun ng inunahan siya ni Justine. Inabot ni Justine kay Tricia ang ballpen niya. "Here." Sabi ni Justine sabay abot at nakita ko pa ang pagdampi ng daliri ni Tricia sa daliri ni Justine.

Napakagat labi si Tricia pagkaabot niya. And I swear, para siyang baliw dahil ayaw niyang bitawan ang ballpen niya hanggang sa matapos ang klase namin doon.

"Okay. Did you all understand it?" Tanong ni Prof saamin.

"Yes, sir." Sagot naming lahat.

"Good to hear. Class dismiss." Sabi niya kaya nagtayuan na ang mga kaklase ko.

Nagligpit na din ako ng mga gamit ko. At itong si Tricia naman nakaupo pa din.

"Tricia!" Tawag ko sakaniya kaya napatingin siya saakin.

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon