Chapter 39

3.3K 103 5
                                    

Catastrophe's Pov

"Tara na!" Sigaw ko kila Margaux dahil inaayos pa nila ang gamit nila.

I saw myself. I saw my friends. Nasa bahay namin kami. What am I doing here?

"Nandiyan na ba sila?" Tanong ni Key.

Ayos na ang gamit ko. Yung kanila na lang ang hindi pa. Sinara ni Key ang zipper ng backpack niya at sinukbit ito.

"Oo, hinihintay na tayo."

Kasama namin ang mga kapatid namin. Gwen and Xyra. Pwera sa mga kapatid naming mga lalake dahil susunod na lang daw sila. Ewan ko kung bakit.

"Omg! I'm so excited!" Halata sa boses ni Hailey na excited na excited na siya.

"Mom! Alis na po kami!" Paalam ko kay Mommy at agad namang siyang lumabas galing kusina.

"Okay, take care. Be good, okay? Susunod ang Kuya mo." Sabi niya at hinalikan ang noo ko.

"Bye Tita!" Paalam ng kambal sakaniya at hinalikan siya sa pisngi.

Dinala ko na ang backpack ko at paglabas ay nakita namin agad ang van na nakabukas ang pinto. Natanaw ko agad si Shaznielle na excited katabi ang Kuya niyang si Bryce.

"Mga ateee!" Excited niyang sabi at tumakbo patungo saamin.

Niyakap agad namin siya at naglitawan naman ang mga lalake na nasa van. Sumilip sila Mawie.

"Sup!" Nakangising sabi ni Zy samin.

Inakbayan ko si Shaznielle at nang makalapit kami sa van ay hinagis agad namin ang bag namin sa likod.

"Aww! May tao dito!" Lumitaw bigla si Xyleus na kinakamot ang ulo niya.

"Akala ko wala e," Sabi ni Hailey at tumawa.

Napailing na lang kami at sumakay na agad sa van. Umayos naman sila ng upo. Kasya naman kami dito sa van dahil hindi naman kami gaanong marami. Kung kasama namin sila Kuya eh hindi talaga kami kasya.

"Jay!!" Sigaw ni Kate at piningot si Jay. "Kulit mo ah!" Irap ni Kate.

Ayan, magsisimula nanaman magbunganga si Kate. Katabi ba naman si Jay e. Talagang magbubunganga 'yan.

"Ang sakit sa tenga ate Kate." Reklamo ni Shaz at tumawa.

Sa isang pikit biglang nabago ang eksena. Iisang araw lang 'to. Bakit napunta ako dito?

"B*tch! Akala mo makakatakas ka samin? Hindi ka tumupad sa usapan!" Tinutok nila sakin ang baril.

Tinignan ko ang mga kaibigan ko. Umiiyak na sila Margaux while the boys were covering us.

"What do you need, Eric? 'Wag mong idadamay ang mga babae dito!" Matapang na tanong ni Mawie.

Niyakap ko si Shaznielle. Umiiyak na siya ngayon, so am I.

I am a big mistake!

"Tama na please.." I plead.

Tinignan ako ni Eric. Madami sila. Kasama niya ang buong grupo niya. Meron silang hawak na mga dos por dos. I'm shivering because of fear.

"Tama na.. I'm sorry. Eric... Please... Stop this," Pagmamakaawa ko at unti unting kinalas ang yakap ko kay Shaz pero hinihigpitan niya lalo.

"Pumayag ka Cata! You agreed, slut!" Galit na galit ang boses niya. "Come here, btch." Tawag niya sakin at inalok ang kamay niya.

Tumulo ang luha ko. Sunod sunod. Ang sakit na din ng dibdib ko.

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon