Margaux's Pov
"We'll sleep here, Kuya." Sabi ko kay Kuya ng magkita kami sa parking lot.
"Nagpaalam na kayo kay Mommy?" Tinignan niya ako ng maigi. Para bang inaalam niya ang dahilan.
"Yup,"
"Don't do stupid things, Margaux."
Ngumiti ako sakaniya. "We won't. Don't worry." Sabi ko sakaniya. Ginamit ko ang boses ko na alam kong magtitiwala siya.
"Take care." Hinalikan niya ang noo ko bago pumasok sa sasakyan niya.
Kumaway ako at nang pinaharurot niya na ang kotse niya ay tumalikod na ko para pumasok sa loob.
Dumiretso ako sa dorm. Puro usap usapan nanaman tungkol sa battle mamaya. I smirked as I hear our group.
"Second battle ng Mysterious Bitches mamaya. Nakakacurious talaga kung sino sila!"
"Sa dami ng babae dito sa SU, ang hirap manghula kung sino."
"How I wish na makilala ko sila. Grabe. Idol ko talaga sila!"
Tumungo na ako sa kwarto nila Cata at pagpasok ko ay wala pa si Kate at Hailey.
"Si Bea?" Tanong ko sakanila.
"Isasali na ba natin ngayon? Hindi pa hasa." Sabi ni Key.
Umiling ako, "No. We just need to make sure na manonood sila. Para kahit papano ma-adopt nila ang moves."
"Duh? Hello, Margaux! Malamang alam na din nila ang moves. Ilang taon na ba sila dito at ilang beses na ba silang nanood ng battle?" Cata snapped infront of me.
I just rolled my eyes on her. May point naman kasi siya so better to shut up.
Natulog muna ako. Naramdaman ko kasi ang pagod. Nagpagawa kasi ng activity si Prof na kinailangan libutin ang SU. Nakakapagod kaya.
"Wake up, sleepyhead!" Naramdaman ko ang pag-uga ng kama.
Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Kate na tumatalon sa kama. Sinamaan ko naman agad siya ng tingin pero nagpatuloy siya.
Umupo ako habang siya talon ng talon. Nakapikit pa ako at ng maramdaman kong tapos na siya magtatatalon ay minulat ko ulit ang mata ko.
"Oras?" Tanong ko sakanila.
"8pm." Sagot nila.
Four hours of sleep. Tumayo ako at tumungo sa CR para magtoothbrush. At paglabas ko ay chineck ko ang phone ko. Napako ang tingin ko ng makita kong may text.
JV:
Goodluck. Manonood kami. :)
Napatitig ako ng matagal sa cellphone ko. Did he really texted me?
Hindi ko alam kung anong irereply ko. Nagtype ako tapos ay binura ko din.
Ako:
Thanks.
Ayan na lang ang inireply ko. Gustong gusto ko siyang tanungin kung bakit siya nagtext. Pero hinayaan ko na lang.
"Matunaw naman 'yang cellphone mo." Sabi ni Hailey sakin.
Inangat ko ang tingin ko sakanila at nakita ko silang kumakain ng nachos at burger. Nagpadeliver siguro sila.
"Sino ba yung nagtext?" Tanong nila sakin.
"Si JV. Just saying goodluck." Sabi ko at lumapit sakanila para makikain.
Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha nila. Well, I was shocked too. And I expected that expression from them already.
BINABASA MO ANG
And they meet again ❤
ActionChildhood friends comes to be their best enemy. What will happen? Uunahin ba nila ang pagkakaibigan nila? O papairalin nila ang bad sides nila para lang sa kung anong meron sila? Find out. :)