Catastrophe's Pov
Kinabukasan ay walang pasok lahat ng estudyante dahil kakatapos lang ng pre lim. Kaya eto lahat at nagsisialisan ng SU. Yung iba uuwi sakanila, yung iba magm-mall.
[Ate!] salubong sakin ni Gwen ng magskype kami.
"Oh? Si mommy?" tanong ko sakaniya at tinignan ang background.
Walang bakas ni Mommy doon. Nakita ko si Kuya na paparating habang may hawak na chichirya.
"Hey, cat!" nakangising tawag ni Kuya sakin.
Inirapan ko siya. Cat is my nickname for him.
[Nandun si Mommy sa kwarto nila. May kinuha lang. Si Daddy naman nasa meeting.] sagot ng kapatid kong babae.
Tumango ako at humalumbaba. Lumabas sila Hailey para bumili ng ingredients ng nachos. Craving daw sila doon, e.
[Kailan ka nga pala uuwi dito?] tanong ni Kuya sakin at sumandal sa upuan.
"Next week. Sa tuesday. Wala akong pasok nun e." sagot ko sakaniya.
Tumango si Kuya. Nakita ko si Mommy na pababa ng hagdan kaya umayos ako.
"Mommy!" tawag ko kay Mommy at kumaway pa ko.
Tumingin si Mommy sa side ko at nakita ko ang pag ngiti niya.
[Hi, trophe! How are you?] tanong ni Mommy ng makalapit siya at umupo sa gitna ni Kuya at Gwen.
"I'm fine, My. Kakatapos lang po ng pre lim. Next week uuwi po ako diyan. Kayo ni Daddy, My? Kamusta?"
Sinandal ni Mommy ang ulo niya sa balikat ni Kuya. [We're fine, too. Really? I'm excited to see you, Trophe. It's been month since you went here. Dito kaba matutulog nun?]
Tumango ako. "Opo. Monday uuwi ako diyan then tuesday ng hapon po ako babalik dito."
[Okay.] ngumiti ulit si Mommy. [May nanliligaw na ba diyan sayo?]
Napasimangot ako sa tanong na 'yun ni Mommy. Oo, gustong gusto niya na ko magboyfriend. Ewan ko ba diyan. Eh ako ayoko.
[Sa tingin mo, My, may manliligaw diyan?] tinuro pa ako ni Kuya at tumawa siya. [Wala!]
"Alam mo ikaw Kuya! Kung nandiyan lang ako panigurado kanina pa kita nabatukan!" gigil kong sabi sakaniya.
Nagtawanan silang tatlo.
"Wala, My. Dahil wala naman ako ine-entertain." Bumelat ako kay Kuya ng sinabi ko iyon.
[Walang ine-entertain dahil?] Tinignan ako ni Gwen ng makahulugan. [Dahil ano ate?]
Nagiwas ako ng tingin.
[Dahil sakaniya?] sabay sabay pa nilang tanong.
Hindi ako kumibo. Nakatingin lang ako sa bintana. It's him again..
[Siya pa din ba?] Tanong ni Kuya.
Hindi ko namalayan sa sarili ko na tumango na pala ako.
Nanahimik sila kaya tinignan ko ang monitor ng computer ko. Nakita kong nakatingin silang tatlo saakin.
[Matagal na 'yun, Trophe. Akala ko hanggang crush lang. I didn't know that your feelings for him will be deeper.] sabi ni Mommy.
"I don't know, Mom. Pinilit ko naman pong kalimutan siya kahit nung nasa US ako. But everynight, I remember him. I remember his face. His presence. Everything about him. Naaalala ko.."
[Ate, limang taon kang wala dito. I'm sure hindi kana natatandaan ni Kuya Mawie.] sabi ni Gwen sakin.
Mawie..

BINABASA MO ANG
And they meet again ❤
AcciónChildhood friends comes to be their best enemy. What will happen? Uunahin ba nila ang pagkakaibigan nila? O papairalin nila ang bad sides nila para lang sa kung anong meron sila? Find out. :)