Chapter 1

142 14 0
                                    


"Congratulations, Mom and Dad!"

Mahigpit kong niyakap si Mom at Dad. Kasal nila kanina at nasa Oneus Hotel kami dito sa Cagayan de Oro para sa wedding reception ng aking mga magulang. Hindi ko alam ngunit napakasaya ko sa araw na ito dahil sa wakas, nag-isang dibdib na si Mom at Dad. Kanina nga noong nasa simbahan kami, todo punas ako ng aking mga luha kasi sobrang nakakataba ng puso 'yung palitan nila ng vow.

"Salamat anak, sa wakas magiging Arena ka na, hindi na Castillar ang apelyido mo."

Natatawang sabi ni Dad. Pinanganak na half-british si Dad at Arena ang dinadalang apelyido. Castillar is from my Mom. Halos limang taon na rin ang nagdaan simula noong na-engage silang dalawa sa isa't-isa, kung kaya noon pa man, matagal ko nang hinintay na dumating ang namumukod-tanging araw na ito. Napangisi ako nang makitang sinapak ni Mom si Dad sa dibdib at bahagyang namula. Tumawa-tawa naman si Dad. Napangiti nalang ako.

"Dad, basta alagaan mo si Mom, ha? Patay ka sa akin."

Nakahalukipkip na sabi ko. Tumawa lang si Mom at itinaas ni Dad ang kilay niya habang nakangiti. Bagay talaga sila ni Mom. Hays. Nakakainggit 'yung pagmamahalan nilang dalawa. Nagkakilala sila dito rin sa Oneus Hotel. Pareho kasing chef ang profession nila and at the same time, magka-workmates rin sila noon pa. Palagi ko talagang naiisip na ang swerte ko kasi natunghayan ko ang kasalan ni Mom at Dad kasi noong ipinanganak ako ni Mom, wala pa sa isip nila na magpakasal no'n kasi mas pinili na ako mas mismo ang makakasaksi sa pag-iisang dibdib nilang dalawa.

"Alright, darling!"

Ibang accent na pang-aasar ni Dad. May lumapit na dalawang babae sa amin at isang lalaki na mukhang mag-asawa. Tumabi ako at nakipag-shake hands naman si Mom at Dad sa kanila. Napakurap ako nang ngumiti ang babae sa akin habang tinitignan ako.

"Fara, is this your elegant daughter?"

Uminit ang pisngi ko sa tanong ng babae na nasa mukhang nasa edad 30's na yata. Ngayon ko lang sila nakita at malakas ang pakiramdam ko na isa rin ito sa mga business partners ng aking mga magulang. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na napangiti si Mom at Dad. Bahagya kong iniyuko ang aking ulo ngunit tinapik ako ni Mom at pinatingin sa kanila.

"Yes, Selene. She's Fate Christellene Castillar."

Bumuga ng hangin si Dad kaya napalingon ako sa kaniya. Nakahalukipkip siyang nakatingin kay Mom at nakataas ang kilay habang ngumingisi na parang tinitimbang ang sinabi ni Mom.

"Honey, I told you she's already Arena. Fate Christellene Arena."

Napasapo ni Mom ang bibig. Nakalimutan niya siguro na kasal na sila ni Dad. Sabagay, nasanay na rin ako sa apelyido ko. Kaya lang, simula ngayon dapat dala-dala ko na sa aking puso at isipan ang apelyido ni Dad kasi isang ganap na legitimate family na kami sa mga mata ng Panginoon.

"Alright."
Nagkibit balikat si Mom at ngumiti na lamang.

"She's gorgeous." Sabi ng lalaki na kasama na katabi no'ng babae. Tumingin ito sa akin at ngumiti.

Agad akong napaiwas ng tingin. Pakiramdam ko umaapaw ang mga papuri sa akin ngayong gabi na ito. Nakakataba ng puso kasi may mga taong nakaka-appreciate ng kagandahan ko kahit na simple lang naman ang suot kong gown ngayon at hindi rin ganoon kakapal ang aking make-up sa mukha.

"Yes she is. Mana sa asawa ko e'."

Muntik na akong matawa sa sinabi ni Dad. Napailing iling nalang ako sa sinasabi nila. Totoo nga naman, ang sarap pakinggan na sinasabi nilang mana ako kay Mom.

"Hello, Fate!"

Napalingon ako sa babaeng katabi ni Tita Selene. Natigilan ako kasi 'saka ko lang napansin na may kasama rin pala silang dalawa. Pinasadahan ko ng tingin ang babae at napagtantong ka-edad ko lang siya kasi napakabata ng mukha nita at para siyang younger version ni Tita Selene. Sandaling sumagi sa isip ko na baka anak niya ito.
Tinignan ko siya at nginitian.

Chastening SolecismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon