"Tahan na Fate, kanina ka pa umiiyak diyan."Nandito ako sa kwarto ngayon at patuloy pa ring inaalo ni Kuya Flynn. Nang dahil sa nangyari kanina, napagpasyahan kong umuwi na lamang dahil wala rin namang iba pang rason para manatili doon pagkatapos ng nangyari. Pipigilan na sana ako nila Clariza kaso mabuti at sinabihan siya ni Joleena na baka masama lang ang pakiramdam ko.
Naramdaman panigurado ni Joleena na nangyari sa amin ni Gem dahil pareho kaming nawala sa gitna ng birthday celebration ni Zeyn. Ipinaabot ko nalang kila Asper ang regalo ko kay Zeyn atsaka diretsong lumabas sa mansion nila kung saan naghihintay sa akin ang driver namin. Hindi ko na alam kung anong sumunod na nangyari kay Gem dahil agad akong lumayas pagkatapos niya akong pinatahan doon sa hallway. Sobrang sama pa rin ng loob kaya malamig ko siyang sinabihan na huwag na akong lapitan muli 'saka ako lumayas ako sa harap niya.
"Ganoon ba talaga sa pagmamahal, Kuya Flynn? Dapat ba talaga na may isa sa inyo na kailangang masaktan?"
Pumiyok ang boses ko habang itinanong iyon. Natigilan si Kuya Flynn sa tanong ko at tumingin sa akin. Malungkot siyang ngumiti atsaka nagbuntong-hininga. Hinaplos haplos niya ang buhok ko habang nagsasalita siya.
"Oo, dahil parte iyon ng pagmamahal, Fate. Parte iyon ng mga matitinding pagsubok sa pag-ibig. Kasama nito ang masaktan, magsakripisyo, madapa, bumangon, sumuko at magpakatatag. Hindi rin sa lahat ng oras makakaranas kayo ng walang humpay na ligaya dahil kinakailangan niyo ring dumaan sa hindi matatawarang lungkot at paninibugho para masukat ang tibay at tagal ng pagmamahal niyo sa isa't-isa. Diyan niyo rin malalaman kung kayo ba talaga sa isa't isa... kung kayo ba talaga ang itinadhana na magsama habang buhay."
Napakagat-labi nalang ako sa sinabi ni Kuya Flynn at pinipigilan ang muling pagtulo ng mga luha ko. Palagi ko nalang ba siyang iiyakan? Palagi nalang ba, Fate?
Alam ko namang hindi talaga kami sa isat isa e'. Tanggap ko iyon at ramdam ko rin iyon. Ngunit sana naman balang araw magkaayos na kami. 'Yung dati naming relasyon sa isa't-isa na para bang wala kaming problema kasi nagkakaintindihan kaming dalawa at m pa ganoon kasama ang ugali at asal ni Gem. 'Yung mga panahong masayahin pa siya at palagi siyang ngumingiti sa tuwing nakikita niya kaming mga matatalik niyang kaibigan. 'Yung mga panahong malalapitan mo pa siya kapag may problema ka o may good news ka na ibabalita sakaniya. Miss ko na lahat 'yon... pero hindi ko akalaing hahantung pala ang lahat sa ganito na para bang naglaho ang dating Gem na kilala ko. Kung ganoon man lang, parte pa rin ba ng pag-ibig ang pagbabago? Na kapag tuwing tayo'y nasasaktan mas pinipili nating magbago kaysa sa umusad kahit pa man ang pagbabagong iyon ay maaaring ikasama o ikabubuti sa ibang tao?
"Ikaw, Kuya? Nasubukan mo na bang gawin ang umibig?"
Bahagyang natawa si Kuya Flynn sa sinabi ko. Pero halatang may bakas ng hinanakit ang tawa niya dahil nababasa ko iyon sa mga mata niya. Ganyan-ganyan rin ang reaksyon ni Mom kapag may dinadamdam siyang sakit ng kalooban.
"Lahat naman siguro tayo naranasan na nating umibig sa isang tao, kahit gaano pa man ito kababaw o kalalim. Lahat naman siguro tayo minsan na ring nagmahal at ipinaglaban ang mga taong nagpabihag ng mga puso natin. Ngunit kagaya ng ulan na bumubuhos mula sa himpapawid, kagaya ng mga mahalimuyak na bulaklak na nalalanta sa paglipas ng ilang araw at kagaya ng kayamanang walang habas na nauubos sa isang iglap lamang — may natatanging hangganan rin ang pag-ibig. Hindi lahat ng pag-ibig ay nauuwi sa maligayang pagtatapos. Hindi lahat ng pag-ibig ay naaayon sa sarili nating adhikain dahil tadhana pa rin ang makakapagpasya kung ang dalawang tao ay tunay na sila talaga para sa isa't-isa. Ang salitang pag-ibig ay nilikha lamang ng taong gustong makaranas ng pagmamahal, ngunit ang totoong pangangahulugan ng pag-ibig ay ang pagmamahal na patuloy pa ring nananatili sa puso na hindi kinakailangang tumbasan ng kahit anong salita o talinghaga upang mapatunayan na ito'y magtatagal sa habang buhay. Madalas mang maglaho ang pagmamahal ngunit kung alam mong totoo ang pag-ibig na naramdaman hindi ibig sabihin nito na nakakaligtaan na ang mga puso natin ang mga taong iyon. Maaaring napagod ka lang, nahirapan o nagsawa pero hindi iyon ang dahilan para itanggi mo ang katotohanang umibig ka sakanila. Nawala man ang pagmamahal, ngunit kung totoo ang pag-ibig mo sa isang tao, diyan mo masasaksihan ang halaga ng pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sakaniya. Ang mga pagkakataong iyon ay siyang nagbubuklod at sumusukat sa inyong pag-iibigan kung karapat-dapat ba ang salitang 'kayo' hanggang sa kahuli hulihan ng inyong mga buhay."
BINABASA MO ANG
Chastening Solecism
General FictionEndless Series #3: Fate Christellene Arena is astonishingly hailed as the marvelous queen of nurtured devotion and absolute adoration. An exquisite maiden born with stringent norms and ground rule in life. She fascinates her heart through reverence...