Mabilis akong lumabas sa opisina ni Sir Dexxon para sundan ang nangangalaiti sa galit na si Gem. Napakalakas ng kalabog ng puso ko ngayon at pakiramdam ko ay unti-unti akong hinuhugutan ng hininga sa mga sandaling ito. Napalinga-linga ako sa paligid at nagbabakasakaling makita si Gem upang kausapin siya ngunit hindi na siya nahagilap ng mga mata ko kaya mas lalo lamang akong dinadaganan ng kaba.
Dumagundong ang kalangitan sa sobrang lakas na pagbuhos ng ulan na nagmumula sa himpapawid. Agad kong binuksan ang aking payong at nagpunta sa kabilang building para hanapin si Gem. Kahit nanginginig ako sa napakalamig na ihip ng hangin, pilit ko pa ring inilakad ang aking mga paa sa bawat stations na madadaanan ko. Hindi ko pa rin nakikita si Gem kahit pa man halos nilibot ko na lahat ng buildings ng Cruishine.
Napadpad na rin ang mga paa ko sa mga pinakataas na palapag ng Executive Building ngunit nabigo pa rin akong hanapin ang kaluluwa ni Gem doon. Ininda ko ang sobrang pananakit at pamamanhid ng aking paa habang naglalakad patungong parking lot. Mas lalo lamang sumikip ang aking dibdib at nangilid na ang luha sa mga mata ko nang makitang wala pa rin siya doon.
Unti-unti nang nagsipatakan ang mga luha ko nang makapagpasyang lumabas ng tuluyan sa Cruishine para hanapin si Gem. Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Kahit hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Gem, nais ko pa rin siyang makita. Nang makita ko na walang bakas ng tuwa sakaniyang reaksyon nang humarap siya sa amin kanina, ramdam ko ang sobrang pagkamuhi at pagkadismaya sa mga mata niya na para bang hindi mabilang ang mga katanungang nakakubli doon.
Ayaw kong maulit na naman ang mga nakaraang nangyari na walang kupas ang bangayan at away namin sa isa't-isa. Ayaw ko ng makaramdam ng ganoon katinding sakit at poot sa araw-araw na tinatapunan ako ng masasakit na salita ni Gem. Ayaw ko ng maranasan ulit ang mga pangyayaring iyon na sobrang nagpapawasak sa aking buong pagkatao. Ayaw kong magka iringan na naman ulit kami at ayaw kong umalis dito sa Pilipinas na may iiwang mabigat na pasanin sa aming dalawa ni Gem. Hindi ko kakayaning umalis na may problema kaming kinakaharap sa isa't-isa lalo na kapag magdudulot lang ito kay Gem ng panghabangbuhay na sama ng loob sa akin.
"Gem! Nasaan ka?"
Namamaos na sigaw ko. Kinagat ko ang aking ibabang labi at pinipigilan ang paghikbi habang luminga-linga ako sa paligid at naglalakad na hinahanap si Gem sa labas ng Cruishine. Sobrang lakas ng buhos ng ulan na tila ba tinatakpan nito ang ang pag-asang makita si Gem. Kahit na nanlalabo ang aking paningin dahil sa pagluluha ng mga mata ko, pinilit kong punasan ito para mahigilap ko ang presensya ni Gem.
"Nasaan ka, Gem! Magpakita ka parang awa mo na!"
Pagtawag kong muli pero parang ang malakas na pagbuhos ng ulan lamang ang naririnig ko sa mga sandaling ito. Bahagya akong napatid ngunit agad akong napahawak sa may matalim na railings malapit sa aking gilid.
Napapiksi ako sa sobrang sakit ng aking palad ngunit pinilit kong tumayo ng maayos bago pa-ikang naglakad muli para hanapin si Gem. Ramdam kong sa puntong ito, may lumandas na dugo sa aking palad ngunit hindi ko na pinansin iyon at luminga-linga pa rin sa paligid.
Natigilan ako nang makita sa unahan si Gem na nasa tabi ng sasakyan niya. Nakatalikod siya sa akin habang nakukuyom ang mga kamay na hawak-hawak pa rin 'yung letter ko. Muling piniga-piga ang puso ko at mas lalo akong nahirapang huminga ng makitang basang-basa sa buhos ng ulan si Gem ngunit nanatili lang siyang nakatayo roon na animo'y hindi batid ang nangyayari sa paligid.
Naglakad ako papalapit sakaniya habang ramdam ko ang unti-unting pagbigat ng aking dibdib. Hindi ko maiwasang isipin na baka magkasakit siya nito dahil sa pagsawalang-bahala niya sa kaniyang sarili sa ilalim ng lumuluhang kalangitan. Nang huminto ako malapit sa likuran niya ay nauutal at namamaos akong nagsalita.
BINABASA MO ANG
Chastening Solecism
General FictionEndless Series #3: Fate Christellene Arena is astonishingly hailed as the marvelous queen of nurtured devotion and absolute adoration. An exquisite maiden born with stringent norms and ground rule in life. She fascinates her heart through reverence...