Chapter 26

39 9 0
                                    

Nasa sasakyan kami ni Gem ngayon at hindi ko maiwasang isandal ang aking ulo sa bintana at pasadahan na lamang ng tingin ang view sa labas. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayong ihahatid ako ni Gem sa bahay namin. Kahit kailan, hindi ko pa naranasang ihatid ng isang lalaki pauwi sa bahay kung saan ako nakatira kung kaya hindi ko maiwasang mailang.

Hindi ko alam na mangyayari ito sa buong buhay ko gayong si Gem lang naman ang inibig kong lalaki at ni isang beses wala akong pinansin o kinilala sa mga manliligaw ko noon na mga anak ng business partners ni Dad. Ako na ang dakilang NBSB, alam ko. Pero hindi ko naman kasi masisisi itong puso ko kasi kay Gem lang siya pumiling tumibok ng lubusan simula pa lamang noon.

"Bakit ang tahimik mo?"

Naibalik ako sa huwisyo nang biglang magtanong si Gem na nasa tabi ko at nagmamaneho ng sasakyan. Napalingon ako sakaniya at nakitang napatingin siya sa akin na para bang sinusuri niya ang mukha ko kung bakit hindi ako kumikibo. Uminit ang aking pisngi dahil sa titig niya kaya nag iwas agad ako ng tingin at napatingin muli sa bintana 'saka siya sinagot.

"Wala. Masyado lang siguro akong napagod kanina sa pagluluto."

Palusot ko sakaniya kahit masyado lang maraming tumatakbo sa isip ko at pakiramdam ko'y babaligtad na ang aking utak sa sobrang pagka preoccupied nito. Naninibago rin kasi ako kasi sobrang maamo ni Gem ngayon, hindi niya ako inaasar, palagi siyang nakangiti at halatang napapansin niya na ang bawat galaw ko.

Kung noon ay wala siyang pakialam sa akin, ngayon naman mukhang tinatamaan na siya ng kuryosidad sa akin. Pakiramdam ko tuloy baka gusto niya kaming makapagsimula muli pero ewan, hindi ko pa rin makumbinsi ang sarili ko na si Gem pa rin itong nasa tabi ko ngayon.

"Kunin mo ito."

Nagulat ako nang may inilapag siya sa aking hita. Agad naman akong napatingin doon at biglang umarko saglit ang kilay ko. Tinignan ko ang laman ng eco bag na inabot niya sa akin kaya nagugulumihan akong napabaling sakaniya na ngayon ay nauna nang nakatingin sa akin.

"A-ano ito?"

Tanong ko at isa-isang tinignan ang mga laman non na puro mga boxes at may mga sachets rin na kulay bughaw. Nagsalubong ang aking kilay at magsasalita na sana nang naunahan niya ako.

"Vitamins."

Simpleng sagot niya. Napabagsak ko ang aking balikat at napahinga ng malalim. Tumingin ako sakaniya na ngayon ay nakapokus na ang atensyon doon sa daan habang nagmamaneho. Alam ko ang laman nito pero hindi ko alam kung para saan ito at bakit ibinigay niya sa akin.

"Ang ibig kong sabihin, bakit mo binibigay sa akin ito?"

Tanong ko uli. Nasilayan ko ang bahagyang pag angat ng gilid ng labi ni Gem kaya natigilan ako. Hindi dahil nagulat ako sa kakaibang reaksyon sa mukha niya kung hindi, parang may kung anong humaplos na naman sa puso ko nang masaksihan ko ang ngiti niyang iyon. Babaling na sana si Gem sa akin na ngayo'y nakangiti pa rin pero agad kong inalis ang aking paningin sakaniya at tinignan ang eco bag na hawak ko.

"Huwag kang mag alala, hindi iyan basta-bastang generic lang. Mga B12 pharmaton multivitamin capsules iyan mula US na inabot sa akin kanina ng Tito ko sa Watsons. Kailangan mo iyan para may lakas at makagalaw ka ng maayos habang nagluluto. Pansin ko kasi na sobrang dali mo mapagod at madali rin tumamlay ang katawan mo.

Napantig ang tainga ko sa sinabi niya. Ano raw? Alam kong napakahina ko minsan dahil madali akong atakehin ng pagod, tamlay at antok minsan, pero hindi minsan sumagi sa isip ko na bibigyan ako ng vitamins ngayon ni Gem dahil lang doon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil napapansin niya pala na ganoon ang nakaugalian ko o maiinis ako dahil pakiramdam ko inaasar niya ang kahinaan kong iyon.

Chastening SolecismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon