Sumandal ako sa hammock na nasa gilid ng swimming pool habang pinupunasan ang aking buhok gamit ang tuwalya. Kailangan kong mapatuyo ito para hindi na ako mag abala pang mag blower dry mamaya kapag mag aayos na ako ng sarili bago magsimula ang program sa Cruishine. Bumuntong hininga ako at pinagmasdan ang paligid.
Nakita kong nakalusong pa rin sa swimming pool sila Alva at nakikipaglaro ng swimming race kila Asper. Bahagya namang umangat ang aking labi nang makitang naghiyawan at todo cheer sila Daneery, Manesa at Clariza sa gilid. Hinanap naman ng aking paningin sila Joleena pero hindi ko na sila nahagilap. Marahil tinutulungan sila Sir Dexxon sa paghahanda at pagdedesinyo ng venue. Humalukipkip ako sa aking kinauupuan at napatingin sa aking gilid. Kinuha ko ang isang tea na mayroon doon at sumimsim ng kaunti. Napangiti ako dahil matamis ang flavor ito, tamang-tama lang sa aking panlasa na mahilig sa mga matatamis na pagkain at inumin.
Bumaling ang aking paningin kay Kooky at Ivy na papalapit sa aking direksyon. Kapwa nagtatawanan silang dalawa na para bang nakakapukaw ng interes ang pinag uusapan nila. Ilang sandali pa nang mapabaling ang tingin nila sa akin at kinawayan ako. Agad nila akong nilapitan at tumabi sa akin sa magkabilang bakante na hammock.
"Gosh! Sobrang ganda talaga dito. Sana naman tuwing natatapos na ang working hours natin sa pagluluto doon sa Cruishine ay payagan tayo ni Sir Dexxon na mag swimming dito para mabawasan man lang ng kaunti ang stress natin."
Pamuna ni Ivy sa aking tabi at umiling-iling habang sinismsim din ang tea na nasa gilid din ng hammock niya. Narinig ko naman ang malalim na paghinga ni Kooky sa aking tabi kaya napalingon ako sakaniya. Umangat ang gilid ng aking labi dahil nakita ko siyang nakasimangot. Paniguradong sumasang-ayon siya sa sinabi ni Ivy.
"Oo nga e, kainis! Sa tuwing tapos na tayo mag presinta ng mga pagkain sa clients, pinapalayas na niya tayo agad dahil marami pa raw siyang aasikasuhin sa opisina niya atsaka ayaw niyang may magpaiwan na mga chefs dito sa Cruishine pagkatapos ng working hours dahil ayaw niyang magpaistorbo kapag gusto niya lang mapag isa dito loob ng kaniyang kompanya."
Paliwanag ni Kooky. Humalukipkip naman ako nang mapagtantong tama nga naman siya. Napakareserved na tao ni Sir Dexxon, sa tuwing nasa trabaho kami madalang lang siyang ngingiti, minsan kung kakausapin ka niya, pawang tungkol lang sa mga lulutuin namin. Bihira lang din siya mangumusta sa mga chefs niya. Ngunit may namumukod tanging katangian si Sir Dexxon na nakakapagpatunay na mayroon din siyang mabuting kalooban, at iyon ay ang pagiging mapagkumbaba niya sa sarili.
Hindi magarbong tao si Sir Dexxon. Simple lang ang kaniyang pananalita at ang paraan ng pagtuturo niya sa amin tuwing nagluluto kami. Hindi siya 'yung tipo ng lalaki na maraming arte sa sarili at perfectionist sa lahat ng bagay. Noong unang araw ko pa nga lang dito sa Cruishine, akala ko talaga sobrang strikto at masungit siya pero nang sabihin niya na ayos lang sakaniya na hindi siya tawagin sa kaniyang pananda or honorrifics, doon ko talaga nagpatanto na mali pala ang pananaw ko sakaniya.
Kaya hanggang ngayon, bihira nga kaming tinatawag siya na 'Sir' or 'Professor' pero hindi ibig sabihin non na wala na kaming galang at respeto sa kaniya. Sobrang swerte namin dahil si Sir Dexxon ang manager ng Cruishine at sa mga panahong nakasama namin siya, hindi maitatangging napamahal na rin siya ng sobra sa amin.
Bigla akong siniko ni Kooky kaya naibalik ako sa reyalidad at napalingon sakaniya. Nakita kong ngumuso siya na para ba may tinuturo sa bandang unahan namin. Kunot-noo naman akong napatingin doon sa swimming pool at nakitang naghahul-habulan sila Darson at Asper habang sila Grindel naman ay nagtatalsik-talsikan ng tubig. Humalukipkip na lamang ako at nagbuntong hininga. Kahit kailan talaga, may pagka isip bata rin minaan itong mga kaibigan ko.
"Haay. Sana ganito tayo kasaya palagi, ano? Nakakalungkot lang kasi hindi sa lahat ng panahon makararanas tayo ng ligaya sa buhay."
Matabang at bubuntong-hininga na sabi ko. Bahagya akong natawa ng mahabol ni Darson si Asper at bigla itong lumundag pasakay sa likuran niya. Napapiksi naman si Asper 'saka pinagsasapak ang braso ni Darson kaya nagtawanan sila Joleena doon sa swimming pool.
"Pero huwag ka, malay mo sasaya ang araw mo ngayon sa makikita mo."
Sambit ni Ivy sa aking tabi at sumipol-sipol sa kawalan. Humalakhak naman sa gilid ko si Kooky atsaka tumango-tango sa sinabi ni Ivy. Nagtaas lang ako ng kilay dahil wala akong naiintindihan sa mga reaksyong pinapakita nila. Tinapik ni Kooky ang aking balikat 'saka tumayo na roon sa hammock niya. Ganoon din ang ginawa ni Ivy atsaka nagpaalam sa akin na kukuha raw muna sila ng pagkain sa function hall kasi nagugutom sila, ngunit bago pa man sila naglakad papaalis ay biglaang inilapit ni Ivy ang mukha niya sa akin at bumulong sa aking tainga.
"Pansinin mo naman si Gem na kanina pa nakatitig sa'yo." Sabi niya atsaka sila tuluyang umalis ni Kooky. Narinig ko pang nagtawanan silang dalawa bago nila ako iniwanan doon habang nakaawang ang mga labi.
Napasulyap ako sa kabilang bahagi ng swimming pool na nasa unahan ko. Bigla akong natigilan at nanuyo ang aking lalamunan nang makitang mag-isang nakaupo si Gem sa hammock habang nakadekwatro ang mga paa at nakasandal ang likuran sa ulunan ng hammock. Diretso ang tingin niya sa akin na habang nakahalukipkip. Seryoso ang kaniyang mukhang nakatitig sa akin kung kaya agad kong naramdaman ang biglaang panglalambot ng aking tuhod. Hindi ko mabasa ang mga mata niya at pakiramdam ko'y matutunaw ako sa kaniyang titig kaya napakurap na lamang ako ng isang beses 'saka nag iwas ng tingin. Hindi ko alam ngunit sobrang bilis ng pagkalabog ng puso ko sa mga sandaling iyon. Bakit ba ganiyan siya? Wala ba siyang kamalay-malay na dalawang beses na niya akong matamang tinititigan ngayon?
Ilang sandali pa nang mapagpasyahan kong tumayo na roon sa hammock at nagpunta sa restroom. Maya-maya rin ay narinig ko sa labas ang mga yabag ng paa ng mga kaibigan ko habang nag uusap sila na pinapatawag na raw kaming lahat sa function hall. Dali-dali kong kinuha sa aking bag ang makapal na scarf atsaka nagbihis ng shorts. Tinignan ko muna ang aking sarili sa salamin bago lumabas doon at nagtungo sa function hall. Nasulyapan ko rin naman na may mga nakasabay ako papasok na newly hired employees at ang iba sakanila ay binati 'saka nginitian ako. Matipid ko rin silang nginitian pabalik. Nakakasiguro akong mapapakinabangan nila ang kanilang pagiging friendly at masayahin kapag haharap sila kay Sir Dexxon na ubod ng sungit kung minsan.
Napansin kong marami-rami ang tao sa function hall kaya agad akong lumapit doon sa harapang bahagi kung saan nandoon ang mga kaibigan ko. Hindi ko akalain na dadalo rin para sa program na ito ang mga board of executive officers at ang mga head department officials ng Cruishine Company. Nahagip din ng aking paningin na may mga senior professional chefs na naghahanda at nag aayos ng mga pagkain sa gitna ng function hall kung saan makita ang napakalapad na table na para bang naaangkop lang ito sa dami namin ngayon dito sa loob ng venue.
Isang oras pa ang lumipas bago kami nakaupo sa mga monochairs dahil inanunsyo ng sekretarya ni Sir Dexxon na magsisimula na raw ang programme. Kitang-kita ko sa taas ng stage na nakaupo ang mga officers at officials sa magkabilang gilid habang may kani-kanilang usapan. Hindi ko maiwasang mamangha sa kanila kasi napaka professional ng mga dating nila na para bang marami talaga silang pinagdaanan upang mapalago at maging successful ang kompanyang ito. Napalinga-linga ako sa bawat isa sakanila para makita ang Mom ni Sir Dexxon na siyang may-ari ng Cruishine ngunit hindi ko ito mahagilap kaya napabuntong hininga na lamang ako.
Habang nakatunganga ako roon sa harap ng stage, natigilan ako nang makita ko sa gilid ng ang aking mga mata na may biglang umupo sa kabilang upuan na katabi ko. Nang mapalingon ako ay agad akong napapitlag dahil hindi ko inasahang si Gem pala iyon.
BINABASA MO ANG
Chastening Solecism
Ficción GeneralEndless Series #3: Fate Christellene Arena is astonishingly hailed as the marvelous queen of nurtured devotion and absolute adoration. An exquisite maiden born with stringent norms and ground rule in life. She fascinates her heart through reverence...
