Chapter 20

51 10 0
                                    

GEM JIOVANSON DRIZDELLA'S POINT OF VIEW

CONTINUATION

"Gem, kumusta ka?"

Naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang may biglang umakbay sa aking balikat habang naglalakad kaming dalawa ni Grindel sa hallway papunta sa next subject namin. Kahit hindi ko man lingunin iyon, ramdam kong si Fate iyon dahil sa boses niya. Hindi ko alam pero kumalabog ulit ang aking dibdib nang maisip na sobrang lapit niya sa tabi ko at pakiramdam ko sasabog ako sa matinding kaba kapag hindi ako lalayo sakaniya. Bahagya akong umusog sa kabilang gilid dahilan para mapabitaw ang kamay niya.

"Uy, Fate! Anong ginagawa mo dito? Tapos na ba ang PE subject ninyo?"

Rinig kong tanong ni Grindel kay Fate. Nasulyapan kong naka jogging pants at naka uniporme siya sa PE. Mukhang kakatapos lang nila doon sa Wilson Forde field dahil may kaunting dumi na nakatapal doon sa ibabaw ng sapatos niya. Nag iwas ako ng tingin at diretso ang tingin sa kawalan habang naglakakad.

"Yes, Grindel. Same tayo ng schedule ngayon sa English subject, hindi ba? Kaya sabay na tayong pumasok doon."

Masiglang sabi ni Fate sa amin. Nahagilap ko naman sa unahan sila Asper na kinakawayan kami na para bang hinihintay nila kaming makarating doon sa labas ng room namin.

"Hey, Dude!"

Napangiti ako ng kaunti habang sinasalubong ako ni Asper, Zeyn at Darson. Nakipagfist bump sila sa akin at sabay kaming pumasok sa room. Kahit pa man may kaunting ilang akong nararamdaman sakanila, isinasawalang bahala ko na lamang iyon dahil gusto kong bigyan ng tsansa ang aking sarili na makipaghalubilo sa ibang tao.

"Arcade tayo mamaya? Huta talaga, kailangan kong makabawi nitong Darson na ito kasi dinaya ba naman ako sa huling match namin."

Asar na sabi ni Asper at malakas na tinapik ang balikat ni Darson dahilan para kunot-noo niya itong tinignan. Tumawa naman si Asper at natatawang hinawakan ang braso ni Alva na para bang nagpapalaban sa kaniya. Umarko ang kilay ni Alva nang mapalingon kay Asper atsaka sinapak ang brasong nakahawak sakaniya. Nakita ko namang sumunod si Zeyn kila Daneery sa paghahanap ng vacant seats sa room namin.

May nakahilerang bakanteng upuan kaya doon kami nagtungo. Tumabi muna ako sa gilid at pinauna sila ng upo. Umupo ako sa isang vacant seat malapit sa aisle nang mapansing maayos na silang lahat at kanya-kanya na silang nagsilapag sa kanilang mga bag. Napalingon si Grindel sa akin ngunit agad nagsalubong ang kilay niya nang makitang may bakanteng upuan na pumapagitna sa aming dalawa.

"Usog ka dito, Gem."

Tugon ni Grindel sa akin at tinuro ang upuang nasa tabi ko. Ngunit bago pa man ako makatayo para lumipat doon ay natigilan ako nang biglang may naglapag ng bag sa table at umupo sa chair na iyon. Napakurap ako at hindi nakaimik nang mapagtantong si Fate iyon. Nag iwas ako ng tingin at inayos na lang ang aking pagkakaupo kahit pa man ramdam kong naghuhuramentado na naman ang aking sistema.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito ang aking nararamdaman, pero pakiramdam ko mas lumala lang yata dahil tumabi si Fate sa akin ngayon. Ibinaling ko na lamang ang aking tingin sa pisara kahit hindi pa man hindi mapakali ang buong katawan ko ngayon. Nababatid kong nanlalamig na naman ang aking mga kamay kaya napasalikop ko na lamang ito kahit nanginginig. Inilipat ko ang paningin ko doon sa pinto nang makitang may mga kaklase akong nagsipasukan na doon. Ngayong ikalimang araw pa lang ng pasukan namin, may kaba pa rin ako na nararamdaman lalo na kapag may mga recitations kaming ginagawa.

Maya-maya pa'y pumasok na ang aming guro sa English subject. Hindi pa man siya nakakaupo sakaniyang mesa ay agad na siyang lumapit doon sa pisara at may isinulat na task na kailangan naming gawin, tapusin at ipasa ngayon sa klase na. Strikto ang hitsurang tumingin siya sa aming lahat atsaka nagsalita sa malalim na boses.

Chastening SolecismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon