Chapter 4

80 11 0
                                    

"Since it's another year for culinary arts, another rooms na naman ang lilipatan niyo kaya you should bid goodbye sa mga roommates ninyo."

"Ay, kainis itong si Dex!"
"Bye Alva, iba na naman roommie mo."
"Bye, Johannes! Clariza!"
"Grabe! Parang room lang naman, ah!"

Humalukipkip nalang ako doon sa gilid at bumuntong hininga. Paiba-iba ang roommates namin dito sa Cruishine Culinary every year. Bawat room kasi dito may mga naka-assign na chefs, bale apat na myembro kada isang room.

Bawat room dito ay mga pang-propesyunal na kagamitan at halatang pang world class ang mga kitchen tools and stuffs ang masusulyapan mo. Well, I can't blame Dex. Naging mayaman yata 'yung Mom Allison niya simula nang namatay ang asawa nito na Drake Emmerson na Dad ni Dexxon. Ang ina niya ang nagmamay-ari ng napakaekslusibo at marangyang kompanyang ito.

"Tama na iyan. Magsikilos na kayo."

Pagaawat ni Dex sa mga chefs dito na kulang nang mag iyakan na. Kahit kailan talaga, ang da-drama ng mga kaibigan kong ito. Hindi talaga sila papaawat sa kahit anuman e'.

Kaming mga magkakaibigan ay sabay nag apply sa kompanyang ito pagkatapos naming malampasin ang aming kursong Diploma in Culinary Arts. Hindi naging madali sa amin ang pagpasok dito lalo na at sinala rin kami sa matinding pre and post examinations, screenings, interviews para masuri ng mabuti kung qualified at karapat-dapat ba talaga kaming makapasok dito sa company. Hindi ko alam ngunit parang sinuwerte kaming lahat at nakapasok dito sa kompanya nila Dexxon. Si Professor Dexxon ang tumatayong president ng kompanyang ito kahit pa man sa paglipas ng panahon ay naging kaswal ang pakikitungo niya sa amin at ganoon rin kami sakaniya. Malaki ang role na ginagampanan ni Dex dito sa kompanya kung kaya't araw-araw kahit paman may saltik sa mga utak itong mga kaibigan ko, ginagawa namin lahat ang aming makakaya para maipalita at mapatunayang deserve naming manatili dito at maging successful sa sarili naming mga propesyon. Lahat kami ay nakapagtapos ng may Latin Honors, si Daneery ang aming Summa Cum Laude, Magna Cum Laude namin si Grindel at kaming mga natira pa ay napagtagumpayang maging Cum Laude. Sabi nga nila, napaka-goals ng pagkakaibigan naming lahat at malaki ang pasasalamat ko siya Diyos dahil palagi kaming nagtutulungan ano man ang nangyayari sa bawat isa sa amin, sa problema man o kaligayahan, nagkakapit-bisig kami at hindi namin hinahayaang may mahuli sa amin o may napabayaan dahil ang tanging hangarin naming lahat ay magkakaisa at magmahalan sa lahat ng oras.

"Ano ba iyan, Sir Dex! I-announce mo na lahat!

Pagsuhestyon ni Johannes sakaniya. Umarko lang ang kilay niya ar napailing-iling sa kawalan. Bumaling na kaming lahat kay Sir Dexxon na seryoso na ang mukha. Tumahimik na kaming lahat na animo'y handa nang makinig sa sasabihin niya.

"Room 1: Alva, Johannes, Joleena and Zeyn." Pagbasa ni Sir Dex sa hawak niyang printed paper.

"Ako lang ang lalaki."

Ngumuso si Zeyn at humalukipkip. Inirapan lang siya nila Alva. Grabe naman ito sila. Every year naman magpalitan e' kaya ayos lang naman siguro. Pero mangyayari lang iyan kung determinado silang magtagal dito.

"Dexxon, pwedeng lumipat?"

Matamlay na tanong ni Zeyn. Tinaasan lang siya ng kilay ni Sir Dexxon.

"Then... you'll be fired."

Nanlaki ang mata ni Zeyn. Nalaglag ang panga ko at sabay kaming lahat napatingin sakaniya.

"Fired, Sir? Agad agad?"

Tinakpan ni Dex ang tainga niya. Hindi nalang umangal si Zeyn at tumahimik na. Nakita kong natawa sila Clariza sa gilid. Tinapik naman ni Darson ang balikat niya. Hindi ko nalang sila pinakialamanan at nakinig nalang muli kay Sir Dexxon.

Chastening SolecismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon